Umaga pa lang, mabigat na ang hangin.Parang ramdam ng buong lungsod na may sasabog na katotohanan.Sa loob ng black SUV, tahimik si Cassandra. Nakaayos ang buhok, simple ang suot—isang puting blazer at itim na slacks. Walang alahas, walang arte. Pero sa likod ng kalmadong itsura, naglalaban ang kaba at tapang.Sa tabi niya, si Dominic—nakatuwid ang upo, seryoso ang tingin sa bintana. Hawak niya ang folder na puno ng dokumento. Mga ebidensyang matagal nilang inipon. Mga lihim na matagal nang itinago.“Handa ka na ba?” tanong niya, mahina pero malinaw.Huminga nang malalim si Cassandra.“Hindi. Pero lalaban ako.”Tumango si Dominic.“Hindi ka nag-iisa.”Pagbukas ng pinto ng sasakyan, sinalubong sila ng sigawan ng media.“Ms. Dela Cruz!”“Is it true na may kinalaman ang ama mo sa Monteverde Syndicate?”“Mr. Velasquez, are you protecting a witness?”Hindi sila sumagot.Diretso silang pumasok sa gusali ng korte, may mga pulis na nakaabang, may mga matang nagmamasid—iba puno ng pagdududa,
Read more