Mainit ang hangin ng gabi. Sa loob ng kotse, tahimik lang si Ivana, pero ang mga mata niya ay parang apoy na hindi mapapatay.Nakatingin siya sa litrato ni Cassandra at Dominic sa cellphone—magkahawak ang kamay, nakangiti, parang walang nangyaring masama.“Akala nila tapos na?” malamig niyang bulong, sabay higpit ng kapit sa cellphone. “Hindi ko hahayaang makuha mo ulit siya, Cassandra. Hindi ikaw ang karapat-dapat.”Pinikit niya ang mga mata, at sa likod ng kanyang isipan, bumalik ang mga sandaling siya ang nasa piling ni Dominic—ang mga gabi ng init, halik, at pag-aangkin.Ngayon, lahat iyon ay parang abo na tinangay ng hangin.Kinuha ni Ivana ang phone at tumawag sa isang numero.“Rico, alam mo na ang gagawin mo,” matigas niyang wika.“Gusto kong masira si Cassandra. Gamitin mo lahat ng koneksyon mo sa media. Gusto ko siyang mapahiya—publicly.”“Sigurado ka ba, Ma’am? Baka bumalik sa atin ang—”“Gawin mo lang,” putol niya, malamig ang boses. “Ako ang bahala sa lahat ng consequences
Last Updated : 2025-10-20 Read more