Tahimik ang gabi, pero para kay Cassandra, parang sumisigaw ang katahimikan. Ramdam niya ang bigat ng bawat hinga, ang lamig ng hangin na sumisingaw sa pagitan nila ni Dominic habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Sa loob ng silid, tanging patak ng ulan sa bintana ang gumuguhit ng ritmo sa kabog ng dibdib niya.“Dom…” mahinang tawag niya, halos pabulong. “Hindi ko alam kung kaya ko pa ‘to. Parang kahit saan ako lumingon, problema, gulo, at takot na lang ang nakikita ko.”Hinaplos ni Dominic ang buhok niya, hinila siya palapit, pinasandal sa dibdib.“You’re not alone anymore, Cassandra,” marahan nitong sabi, ramdam sa bawat titik ang paninindigan. “I already lost you once. Hindi na mauulit ‘yon. Kahit anong laban ‘to, sabay nating haharapin.”Napasinghap siya, napapikit. “Pero paano kung mawala ka rin? Paano kung—”“Shhh…” pinutol ni Dominic ang mga salita niya, hinaplos ang pisngi niya. “Kung iisipin mo palagi kung paano tayo mawawala, kailan tayo mabubuhay?”Tahimik. Sa halip na
Last Updated : 2025-10-26 Read more