Isang linggo na ang lumipas mula nang muling magpakita si Lucian, pero ang epekto ng presensiya niya’y parang lason sa hangin—hindi mo agad makikita, pero unti-unting sumasakal.Nakatayo ako ngayon sa terrace ng penthouse, suot ang itim na silk robe ni Dominic, habang hinihigop ang mainit na kape. Sa likod ko, marahang lumapit si Dominic at yumakap mula sa likuran, dinampi ang labi sa leeg ko."You're shaking again," he murmured, his voice heavy with concern.“Hindi ko mapigilan,” mahina kong sagot. “Pakiramdam ko, pinapanood niya tayo.”Hinaplos niya ang tiyan ko, at bumulong, “Walang makakalapit sa’yo. Hindi habang ako ang humihinga.”Pero kahit anong paninigurado niya, hindi pa rin mapakali ang puso ko.Bakit? Dahil kagabi, may natanggap akong anonymous email. May attachment.Isang video. Si Dominic… sa loob ng isang hotel suite. Tulog. Hubad. Sa tabi niya, isang babaeng nakatalikod, at may peklat sa balikat.Iyon ang eksaktong markang nakita ko noon kay Ivana.Impossible.Mabilis
Terakhir Diperbarui : 2025-08-04 Baca selengkapnya