LOGINDEVI POV Kaagad din namang nagmenor si Winston. Bumagal ang pagpapatakbo niya sa saskayan habang tinitingnan niya din ang tinuturo ko. "Ang bagong municipal hospital." maya-maya ay sagot niya. Muli akong napatitig sa gusali. Hospital? Hindi ko inaasahang magkakaroon ng ganoong kalaking pasilidad sa Altera. "Hospital iyan?" hindi makapaniwalang ulit ko. Ngumiti siya nang bahagya. "Oo. Dalawang taon pa lang mula nang matapos ang construction." sagot niya sa akin. Kaagad din naman akong napatango habang tahimik akong nagmasid habang unti-unti namin iyong nalalagpasan. "Impressive. Parang kailan lang pero kay laki na nga talaga ng ipinagbago ng lugar na ito.” Seryoso kong wika. "Yeah, malaki na talaga…” nakangiti niyang wika. "Kung ganiyan naman pala kaganda ang ospital ninyo, bakit nahihirapan pa rin kayong maghanap ng doktor?" seryosong tanong ko. Bahagyang natawa si Winston habang nakatutok ang mga mata niya sa kalsada. "Dahil hindi naman gusali ang problem
DEVI POV Huwag kang mag-alala. Sandali lang naman tayo. Isa pa, nasa trentahin ka na para lokohin pa kita," seryoso niyang muling wika. Awtomatiko namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Akala mo naman, ako lang ang trentahin sa aming dalawa. Eh mas matanda pa nga siya kumpara sa akin eh. Gayunpaman, wala na rin akong nagawa kundi pagbigyan siya sa gusto niyang mangyari. Tutal, kung magkukulong lang din ako sa kwarto, malabo rin akong makapagpahinga. Sa lakas ng tugtugin at ingay ng mga tao, baka sumakit lang ang ulo ko. Kasama si Winston, sumakay ako sa kanyang kotse. Ilang sandali lang ang lumipas at binabaybay na namin ang mga kalsada ng probinsya ng Altera. Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Marami sa mga establisimyentong nakikita ko ay bago sa aking paningin. May mga bahay ding mukhang kamakailan lamang itinayo. Napakalayo na talaga ng narating ng probensyang ito. Ang dating lugar na halos walang maayos na kalsada ay ngayon ay maunlad na. Ang mas n
DEVI POV NATAPOS din ang program at ang mga bisita, naging abala na sa pagkain at pagki-kwentuhan Halos alas nueve na ng gabi, at alam kong alanganin nang umalis ng ganitong oras. Dagdagan pa na ang mga bisita ay nagkalat sa buong paligid. Ayaw ko naman gumawa ng eksena na maghihila ako ng luggage right after ng party. Kaya siguro, ipagpapabukas ko na lang ang pag-alis ko Dahil tapos naman na akong kumain, pasimple na din akong tumayo. Balak ko nang magpahinga sa kwarto Wala naman na akong ibang gagawin eh. Isa pa, maliban sa miyembro ng pamilya Imperial na ayaw ko din naman makihalubilo sa kanila, wala naman na akong ibang kakilala sa lugar na ito "Tapos ka na ba iha, saan ka pupunta?" akmang maglalakad na sana ako paalis nang bigla na lang nagsalita si Donya Celestina. Ang Lola ni Winston. Kasama din namin siya dito sa table namin. At si Winston naman, kaagad din na napaangat ng tingin nang mapansin niyang bigla na lang akong tumayo "Pasensya na po, pero babalik na p
DEVI POV Tahimik kaming umakyat sa entablado. Nasa ibaba ang daan-daang matang nakatingin sa amin habang isa-isang ipinapakilala ni Mommy ang kanyang pamilya. "Ang mga anak ko na ipinagmamalaki ko," nakangiti niyang wika habang inilalapit kami sa kanyang tabi. "Si Peter, si Febe, at ang panganay kong si Doctora Devi." "At siyempre," muling dugtong ni Mommy habang nakangiti kay Winston, "ang anak kong si Winston Imperial." Agad na umalingawngaw ang magkahalong palakpakan at bulungan mula sa mga bisita. Hindi na bago iyon. Isa si Winston sa mga kilalang personalidad sa bansa kaya natural lamang na marami ang humanga at bumati sa kanya. Napansin kong bahagyang namula ang mga mata ni Mommy bago siya muling nagsalita. "Gusto ko lang magpasalamat sa Panginoon dahil sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan namin, heto kami. Kumpleto. Masaya. At nagkakaisa." Napuno ng katahimikan ang buong hardin. Marahil ay naramdaman din ng mga bisita ang bigat ng damdaming nasa lik
DEVI POV "YOUNG Master, hinahanap na po kayo ng mga pinsan niyo. Play na daw po kayo." wika ng Yaya kay Nicholai. Simula noong napatahan ko siya kanina, ayaw niya na talagang umalis sa tabi ko. Nag-uumpisa na ang birthday party program at nandito na kami sa may garden. Si Mommy ay nasa ginawa nilang stage kanina, nakaupo habang nilalapitan siya ng mga bisita para personal na magpaabot ng pagbati ng happy birthday Sa nakikita ko, mukhang tuluyan na din namang natangap si Mommy ng pamilya Imperial. Iba na kasi ang paraan ng pakikitungo nila kay Mommy May ngiti na din at higit sa lahat, nakikita ko na ang respito na never kong naramdaman noon. "No, Yaya! I don't like! Dito lang ako kay Tita Devi." narinig kong sagot naman ni Nicholai sa paanyaya ng Yaya niya. Sa hindi kalayuan, may ginawa din na palaruan para sa mga bata. At nandoon ang halos mga bata at mga Yaya's na kasama na dumalo sa pagtitipon na ito "Nicholai, baka pagod na ang Tita Devi mo. Hayaan mo na muna siyang
DEVI POV “Nicholai po ang pangalan ko. Pero Nico na lang po ang itawag n'yo sa akin," sagot niya. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang sasagot siya sa tanong ko. Mas lalong hindi ko inaasahang kusa siyang titigil sa pag-iyak. "Nicholai? Wow, nice name. You can call me Tita Devi. Kakarating ko lang galing Manila at wala pa akong gaanong kaibigan dito sa lugar ninyo. Nicholai, can you be my friend?" nakangiti kong tanong. Agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. Sa pagkamangha ng lahat, kusa rin siyang tumayo mula sa malamig na sahig. "You're beautiful, Tita! Can you be my girlfriend instead?" seryoso niyang sagot. Hindi ko napigilang mapangiti. Kung hindi ako nagkakamali, pito o walong taong gulang pa lamang ang batang ito. At mukhang maaga yatang natutong mambola. "Sure. Pero kailangan mong maintindihan na ayaw ni Tita Devi ng iyaking bata at laging nagtatantrums," pabiro kong sagot. "Kaya lang naman ako umiyak kasi pinalo ako ni Mommy," pagsusumbong niy
JANNA “Janna, you’re late!” kaagad na salubong sa kanya ni Devi pagkalapit niya palang sa mga ito. Naabutan niya ang mga ito dito mismo sa paborito nilang restaurant at mukhang kanina pa ang mga ito dahil may mga pagkain nang nakahain sa ibabaw ng mesa. Naka-order na ng mga pagkain ang mga kaibiga
“SIGURADO ka bang okay ka lang? Masakit pa rin ba ang----” “Love, ayos na ako. Don’t worry, hindi ako apektado sa pagsipa sa akin kanina ni Darren. Ang inaalala ko lang ngayun ay ikaw! Baka…baka patuloy ka niyang guguluhin.” putol ni Gabby sa sasabihin sana ni Janna sa kanya. Alam niyang nag-a
SO, kumusta? Ano ang sabi noong Nanay ng ex mo?” nakangiting tanong sa kanya ni Gabby. Buong paglalambing na kumapit siya sa braso nito at nag-umpisa na silang naglakad paalis “Well, ayun, ginulat ako. Willing daw siyang ibigay ang lahat sa akin balikan ko lang daw ang anak niya.” Nakangiting sag
“Hindi mapigilan ni Janna na magulat nang bigla na lang pumasok ang kotse sa isang mataas na gate. Ang akala niya sa dating tinitirhan nilang dalawa nitong si Darren siya dadalhin nito pero nagkamali siya. Hindi niya alam kung saan lugar ito pero ang alam niya, nasa labas ito ng Metro Manila. Kah







