Lumalim na ang gabi, ngunit sa penthouse ni Gavin, tila may sariling oras ang mundo. Hindi rinig ang ingay ng lungsod sa ibaba, tanging mga ilaw ng mga gusali ang naglalaro sa salamin ng bintana. Sa loob, banayad ang ilaw mula sa pendant lamp sa sala, nagbibigay ng malambot na kulay gintong liwanag sa paligid.Nakaupo si Elira sa sahig, nakasandal sa sofa, suot pa rin ang malaking shirt at nakatali ang buhok. Sa harap nila, nakalatag ang mga paborito nilang pagkain, mga finger snacks, chips, at ilang slices ng pizza na tinostado ni Gavin.Sa TV ay tumatakbo ang isa sa mga lumang pelikulang pinili ni Elira. Habang kumakain sila, nagtatawanan lang sila, walang iniisip na problema o takot. Parang hindi bawal. Parang walang nakakaalam ng lihim nilang dalawa.Pagkatapos ng pelikula, nagdesisyon silang maglaro ng board game na nahanap ni Elira sa ilalim ng coffee table. Halatang matagal nang hindi nagagamit, pero game si Gavin.“Loser makes coffee,” sabi ni Elira, nakangiti.“Fine,” sagot n
Terakhir Diperbarui : 2025-11-12 Baca selengkapnya