Pawisang napabalikwas si Roxane mula sa pagkakahiga, habol-habol ang kanyang paghinga. Sariwa pa rin sa kanyang isip ang masamang panaginip—ang putok ng baril, ang iyak ng kambal, at ang tinig ni Dark na unti-unting nilalamon ng dilim. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang bumangon siya, pilit tinataboy ang alaala ng bangungot. Dahan-dahan siyang lumapit sa bintanang bahagyang nakaawang, hinahawi ng malamig na simoy ng hangin ang kurtina. Ramdam niya ang lamig na dumadampi sa kanyang balat, ngunit hindi nito kayang tanggalin ang init ng takot at pawis na bumabalot sa kanya. Hinawi niya ang kurtina, at bumungad sa kanya ang kabuoan ng mansyon—malawak ngunit tila nakakulong, bantay-sarado ng mga gwardiya. Napakagat siya ng labi, bakas ang bigat ng kanyang damdamin. “Anong klaseng tahanan ito?! Bakit mas marami pang gwardiya kaysa mga taong naninirahan dito…” bulong ni Roxane, ang tinig ay puno ng lungkot at pangungulila. Samantala, sa kabilang dako, si Dark ay tahimik
Terakhir Diperbarui : 2025-08-27 Baca selengkapnya