Napatingin si Ama Clinthon sa orasan. Halos dalawang oras na ang lumipas mula nang umalis si Carolina at si Mr. Drillion, ngunit ni anino nila ay hindi pa bumabalik. Kumunot ang kanyang noo, ang mga mata niya’y may bahid ng pagtataka at bahagyang pag-aalala—ramdam niya ang bigat ng oras sa paligid, na para bang bawat segundo ay may dalang senyales ng panganib. “Guard Drick…” tawag niya, medyo mababa ang tinig ngunit puno ng bigat at kahulugan. “Yes, Master,” mabilis na tugon ni Drick, agad na lumapit, ramdam ang pagka-alerto sa bawat kilos niya. “Sundan mo ang apo ko… lalo na si Mr. Drillion. Baka naligaw na siya, o baka may nangyaring hindi natin alam,” mariing saad ni Ama Clinthon, tila may hindi maipaliwanag na pangamba na bumabalot sa silid. Hindi pa man nakakasagot si Drick, biglang bumukas ang pinto. “I’m sorry, Master Ama Clinthon… natagalan ako,” humahangos na sabi ng isang pamilyar na tinig. “Mr. Drillion… mukhang nahirapan ka sa paghahanap kung nasaan kami. Bas
Terakhir Diperbarui : 2025-09-01 Baca selengkapnya