“Master Ama Clinthon… Kung tutuusin, napakadali lang naman ng ibinigay naming pagsusulit sa apo niyo!” saad ni Ismeralda, habang marahang ipinapadyak ang takong ng kanyang sapatos sa marmol na sahig, tila ba inuuyam ang lahat ng naroroon. Nakataas ang kanyang baba, at ang malamlam niyang tinig ay may halong pamimilit at pang-aalipusta. Subalit sa kanyang isipan, nag-uumapaw ang ligaya. “Hah! Tiyak ko, hindi kailanman magtatagumpay ang apo mong iyan sa misyon niya… Masasaksihan ko mismo ang kanyang pagbagsak, at iyon ang magiging pinakamalaking kasiyahan ko!” Halos matawa siya nang malakas, ngunit pinigilan ng kanyang tikas at pekeing hinahon, kaya’t nanatili lamang ang mapanuyang ngiti sa kanyang labi. “At syempre, Master Ama,” dugtong niya, sabay igalaw ng abaniko na parang espada ng kapangyarihan, “kailangan din may palugit ang paghahanap niya. Kung hindi, paano natin masasabing karapat-dapat siyang maging ganap na Tagapagmana ng Clinthon Crown?” Sa bawat salitang binitawan ni
Terakhir Diperbarui : 2025-08-30 Baca selengkapnya