"Oy, ang swerte mo ah!" bulalas ni Lyka, halos ma-dislocate ang leeg sa kakatapik kay Roxane. "Ikaw pa talaga ang pinili ni Sir Dark! Gusto mo, palit tayo ng amo? Ako na lang mag-aalaga sa six-pack niya!" May gigil ang boses niya, pero halatang may halong inggit at pa-cute. Habang abala sa paglalakad, hindi nila namamalayang sinusundan pala nila si Carrissa, na tahimik ngunit alertong nakikinig sa tsismis-backstab combo sa likuran. "Uhm... swerte kamo?" reklamo ni Roxane habang umiikot ang mga mata. "Malas 'yon, best! Kung maka-utos si bossing, akala mo ako si Darna. ‘Roxane, kuha mo brief ko.’ Kahit wala 'yon sa job description, ha!" "Teh, seryoso ka? Brief?! Sana sinabayan mo ng paamoy iffect para may thrill," sabat ni Lyka, halos matumba na sa kakatawa. "Pero in fairness, mabango ba siya? Yung tipong kahit pinawisan, amoy imported shampoo pa rin?"saad ni Roxane halata ang biro niya. Biglang sumingit ulit si Lyka, mas O”A pa sa pa-cute ngayon: "Kwento mo naman, girl. Malak
Last Updated : 2025-07-12 Read more