Pagbalik namin ni Max sa hallway matapos ang lunch, parang ang gaan-gaan ng paligid. Tawa siya nang tawa, panay ang kwento tungkol sa mga prof at kaklase niya, habang ako naman ay nakikinig lang, paminsan-minsan sumasabay sa halakhakan. Pero sa likod ng bawat ngiti ko, may isang pares ng matang hindi ko maalis sa isip—mga matang malamig, mapanuri, at puno ng selos. Kay Ninong Gerry Tiu. “Salamat sa pagsama sa lunch ha,” sabi ni Max, habang inaayos ang strap ng bag. “Mas masaya palang kumain kapag may kasama.” Ngumiti ako, kahit may bahid ng kaba. “Basta next time, ako naman ang manlilibre.”, sabay kindat bago tumakbo papunta sa kabilang silid. Nang makalayo siya, saka lang ako nakahinga. Pero hindi pa man ako nakakaabot ng tatlong hakbang, may boses akong narinig sa likod ko. “Roffana.” Pamilyar ang tinig—mababa, malamig, at may halong awtoridad. Pagharap ko, naroon si Ninong Gerry, nakasandal sa pader, may mga papel sa kamay, at isang titig na kay hirap salubungin. “Sir,” m
Last Updated : 2025-10-24 Read more