Hindi agad nagtagpo ang mga mata nila nang araw na iyon. Pormal ang paligid—conference room na may salamin sa magkabilang pader, malamig ang aircon, at ang tunog lang ay ang marahang paglipat ng mga slides sa projector. Si Roffana, ang kilalang CEO, ang nakaupo sa gitna ng mahabang mesa. Matapang, diretso ang tingin, walang bakas ng pag-aalinlangan. Sa tabi niya, ang mga board members. Kahit sino ay luluhod sa presensya niya. At si Drew naman—nakatayo sa harap, hawak ang architectural plans. Propesyonal. Mahinahon. Ngunit sa likod ng mata niya, may dagat na nagngangalit. Hindi niya inalis ang tingin sa screen. Hindi niya tiningnan ang babae. Pero ramdam nilang dalawa— ang mundo sa pagitan nila ay kumakapal. “Your design proposal is impressive, Mr. Villamonte-Tiu.” Ang boses ni Roffana ay kontrolado, pantay, walang emosyon. Parang wala lang. Parang hindi ito ang anak na iniwan niya. Tumango si Drew. “Thank you, Ma’am.” Ma’am. Hindi Mama. Hindi Nanay. Hindi kahit R
Last Updated : 2025-10-30 Read more