Tanghali. Nag-ring ang break bell sa opisina at sabay-sabay nagsitayuan ang mga empleyado. May ilan tumakbo sa pantry, may lumabas para bumili sa labas, may nagsi-yosi sa balcony.Si Elisa, kakalagay lang ng last encoding sa folder, nang tumayo si Brent mula sa kabilang desk.“Lunch?” tanong ni Brent, nakasandal sa cubicle niya. Hindi pilit, hindi nagyayabang. Natural lang. Parang matagal na silang magkakilala.Napatingin si Elisa rito, sumagot ng maliit na ngiti. “Sige. Pero wala akong baon ngayon.”“Aba, perfect,” sagot ni Brent, sabay tapik sa hangin na parang nagyayabang pero nakakatawa ang dating. “Treat ko.”Natawa si Elisa nang marahan, tipid pero totoo. “Hindi naman kailangan—”“Hindi kailangan, pero gusto ko,” sagot ni Brent, diretso ngunit hindi nagpapapogi. “Kumain ka man lang nang maayos. Payat ka pa, baka liparin ng hangin.”Natawa si Elisa—at doon, doon sumikip ang dibdib ni Drew.Mula sa lamesa niya, ilang metro lang ang layo, nakaupo siya, hawak ang ballpen pero hindi
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-01 อ่านเพิ่มเติม