Bumuhos ang ulan nang mas malakas, parang sinasabayan ang tibok ng pusong sabay-sabay na nag-aalab sa gitna ng dilim. Habang yakap ni Elisa ang kambal, nanginginig pa sa lamig, napahagulgol siya. Ang mga luha niya ay sumasama sa patak ng ulan, halos hindi mo na madistinguish kung alin ang ulan, alin ang luha. “Drew… buhay sila,” mahinang sabi niya, nanginginig ang tinig. “Ang mga anak natin… buhay.” Ngumiti si Drew, pagod, basang-basa, ngunit punô ng pag-asa. Hinaplos niya ang noo ng isa sa mga sanggol. “Salamat sa Diyos,” bulong niya, bago siya napaluhod sa lupa, parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa likod nila, dumating ang mga pulis, sumisigaw, “Tanggalin ang mga baril! Sumuko kayo!” Isa-isa namang lumabas ang mga tauhan ni Briannah, nagkakagulo, halatang hindi inaasahang mauunahan sila. “Anong nangyari rito?!” sigaw ng isa sa kanila. Walang sumagot, dahil naroon na rin ang mga tauhan ng Villamonte, mabilis na pinigilan ang mga kumidnap. Isa sa mga lalaki ay sinubukang
최신 업데이트 : 2025-11-13 더 보기