Nakahain na ang pagkain sa mesa—ginisang sitaw, pritong galunggong, at sabaw na may luya. Umupo si Clarissa sa tabi ni Gerald, at si Clarence naman sa tapat nila. Sa unang tingin, mukhang simpleng hapunan lang ng magkakilala. Pero sa ilalim ng mesa… ibang kwento. “Ang bango nito, love,” sabi ni Gerald habang kinukuhanan ni Clarissa ng kanin. “Namiss ko ’tong luto mo.” Ngumiti si Clarissa, bahagyang namula. “Sus, parang hindi ka kumakain sa bahay niyo.” “Hindi ganito,” sagot ni Gerald, medyo may lambing. “Special sa’yo.” Nagtinginan silang dalawa, at sa taas ng mesa, parang isang sweet na mag-jowa ang nag-uusap. Pero sa ilalim ng mesa, dahan-dahang gumalaw ang paa ni Gerald— at tumama sa paa ni Clarence. Napasinghap si Clarence nang mahina, halos hindi halata. Mabilis niyang iniwas ang paa, pero sinundan pa rin ni Gerald, marahang kumalabit, para bang sinasabi: Huwag ka umiwas. Nagkunwari si Clarence na nag-aayos ng upo, pero hindi umalis ang tingin ni Gerald sa kanya
Last Updated : 2025-11-17 Read more