Lumipas ang mga araw na parang mabilis na hangin sa dalampasigan. Araw-araw, pinapakinggan nila ang hampas ng alon, kumakain nang sabay, at hinihintay ang tamang oras. Mahinahon si Drew sa bawat galaw ni Elisa—lagi niyang tinutulungan sa pagbabangon, paglalakad, at pag-upo. Pero habang lumalaki ang tiyan nito, ramdam din niya ang kaba na unti-unting sumisikip sa dibdib niya. Hanggang sa dumating ang gabi na hindi na parang karaniwan—mainit ang hangin, at masyadong tahimik ang mga alon. Nakahiga si Elisa, hawak ang tiyan, malalim ang paghinga. “Drew…” mahina muna ang boses niya, pero may sigaw na nakatago sa ilalim. “Masakit… masakit, Drew—” Napatigil si Drew sa paghahanda ng hapunan. “Ha? Ano—ano ibig mong—” Biglang kumislot ang katawan ni Elisa, at napakapit ito sa gilid ng banig. “DREW!!!” napasigaw siya, nanginginig ang boses, punong-puno ng sakit at takot. “MASAKIT!!!” Nanlaki ang mata ni Drew. Hindi niya alam kung uunahin ang pagbukas ng lampara, ang paghahanap ng t
최신 업데이트 : 2025-11-06 더 보기