Nanuyo ang lalamunan ni Marco. Hindi niya sinadya—nagbitaw lang. Pero nang makita niyang nakatingin si Jasmine sa kanya, nakataas ang kilay, parang naghihintay ng sagot… wala na siyang kawala. “Uh… I-I mean… kung kailangan ulit nating mag-act,” mabilis niyang bawi, pero ramdam niyang hindi siya kapanipaniwala kahit sa sarili niya. Ngumiti si Jasmine, ‘yung tipong alam ang totoo pero hinahayaan siyang magpumiglas muna. “Hmm. Sige na nga,” sabi niya, nakahilig pa rin sa headboard. “Pero next time, Marco… walang ‘magical’ o ‘over nine thousand,’ please?” “Wala nang anime lines, promise,” sagot niya, pero napapakamot habang nakangiti. Tahimik na nagpatuloy ang pelikula, pero hindi na sila nakatutok. Pareho silang aware sa init sa pagitan nila—hindi dahil sa fake honeymoon… kundi dahil sa kanila mismo. At habang unti-unting tumatahimik ang villa, napatingin si Marco kay Jasmine. “Pero… Jasmine?” “Hm?” “Thanks for saving us.” Ngumiti siya. “Anytime, Marvey.” “Ops, wa
آخر تحديث : 2025-11-25 اقرأ المزيد