“Tara na, mahal kong asawa. Umalis na tayo rito… baka balikan pa tayo ng mga taong ’yon,” mahinang saad ni Drick habang mahigpit ang hawak sa kamay ni Lyka. Ramdam sa boses niya ang pag-aalala, ngunit pilit niyang pinatatag ang sarili para sa kanyang pamilya. “Pero paano ang trabaho mo?” nag-aalalang tanong ni Lyka, bakas sa mukha ang takot at panghihinayang. “’Wag kang mag-alala,” agad na sagot ni Drick, bahagyang ngumiti. “Doon din tayo pupunta. Nakausap ko na ang may-ari. Pansamantala, doon muna tayo sa bodega nila titira habang naghahanap tayo ng mauupahan.” “Talaga?” nagniningning ang mga mata ni Lyka, parang may munting liwanag na muling sumilay sa gitna ng dilim na dinanas nila. “Oo, mahal kong asawa. Kahit papaano, may awa pa rin ang Diyos sa atin,” puno ng pasasalamat na sabi ni Drick. Makalipas ang ilang minuto ng biyahe, narating nila ang bodega ng mga Integrio—isa sa mga kilalang business family sa D’ Bridge. Pagbaba pa lamang nila, agad nang bumungad ang maayos a
最終更新日 : 2026-01-14 続きを読む