“Saan ka pupunta, babae ka! Diba sinabi ko sa’yo na hindi ka pwedeng lumabas ng hospital?!” sigaw ng dalawang babae habang mariin nang hinawakan ang magkabilang braso ni Lyka. Walang paki kung nasasaktan siya, basta’t masunod ang utos. Napalingon si Lyka, nanlalabo ang mata sa gulat. “Ano bang problema niyo?! Bakit niyo ba ginagawa sa akin ito?!” singhal niya pabalik, sinusubukang bawiin ang sarili niyang lakas, pero tila mas malakas ang kapit ng dalawa kaysa sa boses niya. “Utos ito ni Aling Poring at ni Korason. Hindi namin sila pwedeng suwayin!” sagot ng isa, sabay kaladkad sa kanya papunta sa exit ng hospital. Hindi sa main door — kundi sa service exit, don sa likod, kung saan walang CCTV na umaabot, at ang mga nurse ay abala sa emergency ward. Habang hinihila siya, sumasabit ang paa niya sa sahig, ang tsinelas niya halos matanggal na. Ang ingay ng pagkaladkad, at ang sigaw ng protesta niya, pilit nilang tinatabunan sa pamamagitan ng pagmamadali. “Bitawan niyo ako! Ano ba,
最終更新日 : 2026-01-07 続きを読む