Nick’s POV Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Audrey habang mahimbing siyang natutulog. Ramdam ko ang lamig ng kanyang balat sa aking palad, ngunit sa kabila nito, parang doon ko lang nakukuha ang katahimikan. Galing lang ako sa check-up, tiningnan nila kung may pinsala ba ako sa katawan matapos ang mga suntok, sipa, at paggulong sa burol. Pero kahit sabihin nilang wala akong malubhang sugat, ang totoo… basag ako sa loob.Pagbalik ko, hindi pa rin siya nagigising. Dalawang oras na siyang tulog, at bawat minuto ay parang taon sa paghihintay.“Nick!” rinig ko ang nagmamadaling yabag ni Scarlett papasok ng kwarto.“How’s Audrey?” nag-aalalang tanong niya, halos habol ang hininga.“She’s fine,” mahinahon kong sagot. “Sabi ng doctor, pagod, takot, at shock lang ang dahilan kaya siya nahimatay. Lahat ng test niya, okay.”“Thank you, Lord,” malalim na buntong-hininga ni Scarlett, halatang guminhawa ang loob. Lumapit ito kay Audrey at tinignan ito ng buong pagmamahal.“Are you alone? Where’s
Last Updated : 2025-10-06 Read more