Hindi na talaga ako nakaalis dahil ang staff ni Claire na nag-deliver ng damit, dumating na halos alas-kwatro y medya. Juicekoh, parang sinadya pa yata. Nakakainis, oo, pero anong magagawa ko? Aawayin ko ba? Syempre hindi. Hindi naman ako ganong klase ng tao at may respeto ako sa oras at trabaho ng iba.“Sige na nga, sa Sunday na lang ako magbababad sa ospital,” bulong ko sa sarili habang naglalakad pabalik sa kwarto. Sana naman walang aberya, kasi day off ko na ‘yon. Konting peace of mind lang, please?Nasa condo lang ako ngayon, well, mas tama siguro kung sabihin kong nasa kwarto lang talaga. Wala akong gana lumabas. Pagkatapos kong dalhin 'yung damit, hindi ko napigilang isukat agad. Simple lang siya, pero ang ganda. Sakto sa panlasa ko. Walang kaartehan, pero may dating.Napangiti ako habang nakaharap sa salamin. “Hmm, not bad,” sabi ko pa. Minsan lang akong ma-satisfy sa mga damit, pero this one? Panalo. Naisukat ko na ito, pero hindi ako magsasawang tignan ang sarili ko ngayon sa
Last Updated : 2025-07-19 Read more