“Are you worried about me now?” tanong niya ulit, mas mababa ang boses na parang may kasamang hamon. Doon lang ako parang biglang natauhan, naalala kong nandito nga pala ako sa harap niya.“Sinasabi ko lang… hindi mo naman siguro ako hinintay, right?” pilit kong hinahawi ang tensyon sa pagitan namin.“Paano kung sabihin ko na hinintay nga kita?”Seryoso ba siya? Tinitigan ko siya nang diretso, sinusubukang basahin kung may halong biro. Pero sinalubong lang niya ang tingin ko, matatag, walang iwas na parang sinasabi, ‘Oo, totoo lahat ng sinabi ko.’Natawa ako nang bahagya, pero halatang pilit dahil may kasamang kaba na hindi ko matanggal. “Bakit mo naman ako hihintayin? I mean, alam mo naman na—”“Masama ba kung hintayin ko ang asawa ko?” putol niya, matalim pero may halong lambing.“Hindi pa tayo mag-asawa. Pina-process pa lang, remember?” paalala ko sa kanya, kahit ramdam kong kumakabog na ang dibdib ko.“Tomorrow, it’s official.” Ganun siya ka-sigurado. Parang walang pwedeng magbago.
Terakhir Diperbarui : 2025-08-12 Baca selengkapnya