May pagkamanunukso din itong si Terrence eh.
Hinila niya nang kaunti ang mukha ko paharap gamit lang ang dulo ng mga daliri niya, at pakiramdam ko, para akong nahulog sa bitag na hindi ko namalayan na tinakpan pala. Hindi ko na alam kung dahil sa lapit namin o sa paraan ng pagtitig niya, pero parang may kuryenteng gumapang mula sa batok ko pababa sa likod.“Evie…” ulit niya, mas mababa na ngayon, halos pabulong, pero bawat letra ramdam ko sa loob ng dibdib ko. “Look at me.”Dahan-dahan akong tumingin, at sa mismong sandaling magtagpo ang mga mata namin, parang tumigil ang paligid. Wala na ‘yung ingay sa labas, wala na rin ‘yung mabilis kong pag-iisip kung tama ba ‘to o mali. Ang naiwan lang… siya. At ako.Napasinghap ako nang bigla niyang haplusin ang panga ko gamit ang hinlalaki niya. “You’re holding back,” bulong niya, na para bang hindi siya nagtatanong, kundi nagsasabi ng totoo.“Hindi—” putol kong sagot, pero naputol din ako nang mas lalong bumaba ang boses niya at dumikit pa nang bahagya ang noo niya sa noo ko.“You are,”
Naging maayos ang pagbisita namin sa mga magulang ni Terrence at aaminin ko, hindi ko in-expect na magiging gano’n sila ka-light kasama. Chill lang ang kwentuhan, walang pilitan, at hindi ko talaga naramdaman na parang “outsider” ako sa bahay nila. Mabait sila, sobrang warm. Hindi ko alam kung dahil ba sa natural lang talaga silang gano’n o dahil kasama ko si Terrence… pero either way, ang gaan sa feeling.Hindi malinaw kung kailan eksaktong darating si Audrey, pero ewan… may kutob ako na kailangan ko talagang maghanda. Hindi ko rin naman kasi alam ang ugali niya. Mabait man sa tingin ko ang mga magulang nila, malay mo kay Terrence siya nagmana.Kilala ko lang siya bilang kapatid ni Terrence other than that ay wala na. At kahit pareho kami ng high school noon, halos hindi kami nagkakabanggaan sa hallway. At lalo nang hindi kami nagkakausap. Minsan nagkakasalubong pero ‘yung tipong dedma mode, parang hindi kilala ang isa’t isa. Ay, hindi pala talaga.Pagkatapos naming bumisita kina Mr.
“Kamusta ka na, hija?” masayang tanong ng ina ni Terrence nang makita ako with arms wide open pa. May kislap sa mga mata niya, ‘yung tipong parang matagal na niya akong gustong makilala. Katabi niya ang kanyang asawa na nakaayos ang postura, pero halata sa ekspresyon na sabik din sa pagdating namin.Lumapit ako at kusa nang pumaloob sa kanyang mga bisig. Mainit at mahigpit ang yakap niya, at kahit paano, may dalang kakaibang ginhawa sa dibdib ko. Hindi naman siguro masama kung maging magiliw din ako sa kanya lalo na at ganito ang pinapakita niya sa akin.Hindi pa ako sigurado kung may kinalaman nga ba ang MHI sa nangyari sa pamilya ko, pero hindi ko rin maikakaila na magaan ang loob ko sa ginang. Kahit noong gabing ipinakilala si Terrence bilang bagong CEO, ramdam ko na agad ang kabaitan niya, hindi pilit, hindi peke.Kung sakaling totoo man na may koneksyon ang kumpanya nila sa pagbagsak ng negosyo ng pamilya ko, tsaka ko na lang haharapin ang katotohanan kapag dumating na ang oras.S
“Are you worried about me now?” tanong niya ulit, mas mababa ang boses na parang may kasamang hamon. Doon lang ako parang biglang natauhan, naalala kong nandito nga pala ako sa harap niya.“Sinasabi ko lang… hindi mo naman siguro ako hinintay, right?” pilit kong hinahawi ang tensyon sa pagitan namin.“Paano kung sabihin ko na hinintay nga kita?”Seryoso ba siya? Tinitigan ko siya nang diretso, sinusubukang basahin kung may halong biro. Pero sinalubong lang niya ang tingin ko, matatag, walang iwas na parang sinasabi, ‘Oo, totoo lahat ng sinabi ko.’Natawa ako nang bahagya, pero halatang pilit dahil may kasamang kaba na hindi ko matanggal. “Bakit mo naman ako hihintayin? I mean, alam mo naman na—”“Masama ba kung hintayin ko ang asawa ko?” putol niya, matalim pero may halong lambing.“Hindi pa tayo mag-asawa. Pina-process pa lang, remember?” paalala ko sa kanya, kahit ramdam kong kumakabog na ang dibdib ko.“Tomorrow, it’s official.” Ganun siya ka-sigurado. Parang walang pwedeng magbago.
“Akala ko hindi ka na uuwi,” sabi ni Terrence pagpasok ko ng condo. Medyo mababa at mabigat ang boses niya, parang pinipigilan lang na mag-init ang ulo. Huminga ako nang malalim bago sumagot, pinipilit huwag magpakita ng kahit anong reaksyon.“I remember telling you na uuwi ako bago umalis. Hindi pa ba sapat 'yon?" Tumigil ako sa paglakad at mataman siyang tinignan. Nasa magkabilang side kami ng sala.Nakatayo siya sa harap ng floor-to-ceiling na glass wall habang nakasandig sa isang column. Bahagya nakahawi ang kurtina, kaya kita ang malayo pero kumikislap na city lights mula sa mga high-rise building. May hawak siyang baso, mukhang whiskey na siyang napansin ko na boteng may bawas nitong nakaraang araw sa may mini bar na nasa malapit sa dining area. Kung makatingin siya, parang may mabigat na ibig sabihin. Hindi ko rin malinaw na mabasa ang mukha niya dahil sa malamlam na ilaw mula sa isang floor lamp sa tabi niya dahil mas mataas pa siya doon.“Hindi mo sinabi na hatinggabi ka na ma
“Bakit ganyan ang mukha mo?” “Ha? Bakit, ano ba ang nasa mukha ko?” tanong ko kay Casey, sabay hawak sa pisngi ko na parang baka may dumi. Diretso kasi ako sa kanya pagkagaling ko sa hospital kagaya na nga ng naging plano ko.“Para kang may malalim na iniisip. May problema ba?” Umupo siya sa tapat ko, hawak-hawak ang baso ng juice pero hindi iniinom, nakatingin lang sa akin, parang ini-scan kung may mali sa akin.Huminga ako nang malalim, gaya ng ginagawa ng mga bida sa teleserye bago maglabas ng mabigat na sikreto. “May nangyari kasi sa hospital…” At doon ko sinimulang ikwento ang pagkikita namin ni Jamaica pati lahat ng nasabi ko sa pinsan ko.“Ibig mong sabihin… as in, hindi man lang sila nagpunta sa hospital para dalawin ang Mommy mo?” halos mabitawan ni Casey ang baso. Kita sa mukha niya na nagta-translate pa yung utak niya sa narinig. “Parang katakataka nga ‘yon. I mean, pinag-aral ka, tapos parang wala lang? Like—seriously?”“Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko,” sagot ko, ha