“Hello, candidate number 3,” bati ni Kael.Napa-rolled eyes na lang ako sa isip ko. Asal anghel siya ngayon. Nahihiya sigurong makita ng iba ang totoo niyang ugali. “Hello, Mr. Cojuangco,” tugon ko na lang, dahil nakakahiya kung hindi ko siya gagantihan sa pagbati. Isipin pa nilang kill joy ako. “Ayieee!” “Tatanungin ka lang niyan ng ‘will you marry me!’”Nagtawanan ang lahat sa sinabi ng lalaking iyon. Maging ang mga judges ay tawang-tawa rin. Umiinit tuloy ang mukha ko. Mabuti na lang at naka-makeup ako. Kung hindi, makikita nila ang pagiging kamatis ko.Eh, kasi naman eh, nakakahiya ang sinabi ng lalaking iyon. “Oh, wala pa kami sa part na iyan. Pero puwede ko siyang tanungin ngayon,” sagot ni Kael, kaya lalong nag-ingay ang audience.Packing tape ka talaga, Kael!Masyado kang mapapel. “Just kidding. I think hindi na comfortable si candidate number 3. Kaya, tatanungin ko na siya.”Mabuti naman. Kung ano-ano pa kasi ang sinasabi eh. Epal. “Na pakasalan ka na niya?” sagot ng isa
Last Updated : 2026-02-19 Read more