Gabi na nang nasa bahay kami ni Riel. Ganoon pa rin at hindi pa rin ako nagsasalita. Diretso lang akong pumasok sa kuwarto, nagtanggal ng jacket, at humiga na sa kama.Dapat maliligo ako, o 'di kaya ay gagawin ang night routine ko, kaso sa sitwasyon kong ito ay parang wala akong gana. Gusto ko na lang itulog lahat bago pa dito pumasok ang mahal na prinsipe. Pero kahit anong pikit ko, hindi pa rin matanggal sa isip ko ang imahe nilang dalawa. Ang paraan ng tinginan nila sa isa't isa, ang pagiging komportable nila. At higit sa lahat, ang pangalan niyang hindi ko alam, Takahiro."Taki daw. Ang baho, ah!" inis kong bulong sa sarili.Ni hindi man lang pinag-isipan. Mokong, mahal na prinsipe, 'yan! Ganiyan dapat magbigay ng nickname. Hindi 'yong tunog takoyaki. Ano siya pagkain? Tsk. Napaayos ako ng higa nang tumunog ang pintuan. Tinalikuran ko ito at nagpanggap na natutulog. Pero dahil hindi naman ako marunong magpanggap, nahimigan ata ng mokong. "Are you mad?"Riel's voice was calm, bu
Last Updated : 2025-08-21 Read more