Umupo silang lahat sa mahabang mesa, ang tatlong bata—sina Sky, Snow, at Callum—ay magkatabi, halatang tuwang-tuwa sa dami ng pagkaing nakahain. Hindi maitago ang kanilang kuryosidad sa engrandeng hapag, na para bang hindi ito ordinaryong pagkain kundi isang handaang espesyal para sa kanila.“Wow… Mommy, ang dami po!” bulalas ni Snow, habang nakangiti hanggang tenga.“Parang fiesta,” dagdag ni Callum, na agad sumilip sa plato ng kapatid.“Pwede na po ba tayong kumain?” tanong naman ni Sky, nakatingin kay Alyssa na para bang naghihintay ng pahintulot.Napangiti si Alyssa, at tumango. “Oo, pero magpasalamat muna tayo.”Tahimik na sumunod ang mga bata, nagdasal, at saka masiglang nagsimulang kumain.Habang iyon ang eksena sa gilid ng mesa, sa kabilang banda, ramdam ni Alyssa ang mabigat na presensya nina Don Alejandro at Doña Margarita. Si Margarita ay tila hindi maalis ang tingin sa kanya at sa mga apo, halatang may halong pangungulila at pagbawi sa mga panahong nawala.Ngunit si Don Al
Last Updated : 2025-09-09 Read more