Malalim ang gabi, ngunit sa ospital, walang tulog ang lahat. Sa loob ng emergency room, oras ang nilabanan ni Liam—oras na halos kumitil sa kanya. Mula sa waiting area, nakaupo si Alyssa habang hawak ang kamay ng kanyang tatlong anak—Sky, Snow, at Callum—na pawang nakatulog na sa kanyang kandungan matapos ang pag-iyak at takot. Si Sera ay tahimik na nakabantay, habang si Doña Margarita at Luca ay nakaupo sa kabilang gilid, parehong nakayuko at nagdarasal. Nang bumukas ang pinto, sabay-sabay silang tumayo. Lumabas ang surgeon, pawis at pagod, ngunit may bahid ng pag-asa sa mga mata. “Stable na siya,” sabi nito. “Pero critical pa rin ang kondisyon. He survived the operation… now, we wait.” Parang nabunutan ng tinik si Alyssa. Napaluha siya, pero mahigpit niyang pinanatili ang kanyang mukha—hindi desperado, hindi basag, kundi isang ina at asawa na pinipiling maging matatag. “Salamat, Doc…” bulong niya. Kinabukasan, nagising si Liam sa ICU. Mahina pa, nakakabit sa maraming tubo at ma
Last Updated : 2025-09-12 Read more