Hindi mapakali si Liam. Ilang araw na siyang nagtitiis ng gutom at puyat, hindi dahil sa kakulangan ng resources, kundi dahil sa isang bagay na patuloy na kumakain sa isip niya—ang mga bata. Paano ko sila lalapitan? Paano kung tumanggi si Alyssa? At higit sa lahat… paano kung huli na ang lahat para sa akin? Paulit-ulit ang mga tanong sa ulo niya. Parang lason na dumadaloy sa bawat ugat, bumabalot sa dibdib, at pinipigilan siyang makahinga. Minsan, nahuhuli niya ang sarili na nakatitig sa bintana ng opisina, hinahanap ang sagot sa kalangitan na tila wala namang pakialam. Ngunit sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, tatlong maliliit na mukha ang muling sumusulpot—mapaglaro, inosente, at walang kamalay-malay na siya, ang kanilang ama, ay nakatayo lang sa malayo. At gaya ng isang sumpa, dumating si Carl, diretsong pumasok sa loob ng opisina ni Liam na parang walang pakialam sa security. “Boss,” malumanay pero may bigat ang tinig nito, sabay inilapag ang isang brown envelope
Last Updated : 2025-08-28 Read more