Alas-sais pa lang ng umaga, gising na si Alyssa. Hindi dahil sa tunog ng alarm, kundi dahil halos wala siyang tulog mula kagabi. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang eksena — ang hindi inaasahang pagpasok ni Liam sa kwarto nila, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, at kung paano niya pinilit magpakatatag para lang hindi mahalata ang kabog ng dibdib niya. Pero ngayon, wala nang oras para magpaapekto. May kailangan siyang tapusin. Tahimik siyang bumangon mula sa kama at lumapit sa maleta. Isa-isa niyang inilagay ang mga damit, school uniforms, at gamit ng triplets. Habang ini-fold niya ang maliit na polo ni Sky, napahinto siya sandali. Ilang taon na rin niyang ginagawa ‘to mag-isa. Wala siyang ibang inaasahan kundi ang sarili niya. “Mommy…” Napalingon siya sa maliit na boses. Si Snow, nakatayo sa may gilid ng kama, hawak ang kumot niya at nakayakap dito na parang ayaw bumitaw. “Are we going home?” tanong ng bata, may halong antok pa sa boses. Lumapit siya at marahang hina
Last Updated : 2025-08-23 Read more