Ximena “Obvious naman na tapos na ang oras ng trabaho at pauwi na ako, so natural lang na bubuksan ko na ang phone ko,” madiin kong sagot, hindi ko inaalis ang tingin kay Natasha. Gusto kong makita niya na hindi ako basta-basta uurong, lalo na at alam kong sinasadya niyang mang-asar. “At ganon ka kasaya dahil in-on mo lang ang cellphone mo?” singit bigla ni Azael, malamig ang boses. Kung pwede lang sigurong ikutan ng tatlong beses ang mga mata ko sa inis, ginawa ko na. Pero syempre, no. Boss ko siya, at nasa harap kami ng ibang empleyado. “Syempre, Sir,” nilagyan ko pa ng diin ang sir para ipamukha na hindi ako natitinag, “dahil may natanggap akong message. Hindi naman siguro ako tanga para matuwa lang dahil nag-bukas ako ng phone for no reason.” “You talk back,” mariin niyang sagot, walang kahit anong bakas ng ngiti. Kita ko ang pagtatagis ng kaniyang bagang, at sa isip-isip ko, hala, baka mabasag ang ngipin niyan sa sobrang diin. “I answered, Sir. You asked, hindi naman puwedeng
Last Updated : 2025-09-14 Read more