Share

Chapter 105

Author: MysterRyght
last update Huling Na-update: 2025-09-14 12:25:34
Ximena

“Obvious naman na tapos na ang oras ng trabaho at pauwi na ako, so natural lang na bubuksan ko na ang phone ko,” madiin kong sagot, hindi ko inaalis ang tingin kay Natasha. Gusto kong makita niya na hindi ako basta-basta uurong, lalo na at alam kong sinasadya niyang mang-asar.

“At ganon ka kasaya dahil in-on mo lang ang cellphone mo?” singit bigla ni Azael, malamig ang boses. Kung pwede lang sigurong ikutan ng tatlong beses ang mga mata ko sa inis, ginawa ko na. Pero syempre, no. Boss ko siya, at nasa harap kami ng ibang empleyado.

“Syempre, Sir,” nilagyan ko pa ng diin ang sir para ipamukha na hindi ako natitinag, “dahil may natanggap akong message. Hindi naman siguro ako tanga para matuwa lang dahil nag-bukas ako ng phone for no reason.”

“You talk back,” mariin niyang sagot, walang kahit anong bakas ng ngiti. Kita ko ang pagtatagis ng kaniyang bagang, at sa isip-isip ko, hala, baka mabasag ang ngipin niyan sa sobrang diin.

“I answered, Sir. You asked, hindi naman puwedeng
MysterRyght

Ayan na nga, Azael.

| 12
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
PJ Naidnignap
Natasha dating ex ni axel
goodnovel comment avatar
Ze Punzalan
bakit ba paisa isa aba tinatamad kana ata e
goodnovel comment avatar
Ian Dave Salceda Alupit
more update po
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 112

    Ximena“Hindi ka mapupunta sa lalaking ‘yon o sa kahit na sino pa. Sa akin ka lang, Ximena. I know you’re angry, kaya hindi ako magagalit sayo ngayon…” Mahina lang ang boses niya pero parang dumadagundong sa tenga ko.Natawa ako, pero hindi iyon masayang tawa. “Well, thank you. You're so generous. Kung ganon ay makakaalis ka na.” Tumama ang mga mata ko sa mukha niyang biglang nanlumo. May kirot akong naramdaman sa dibdib pero pinilit kong manatiling matigas. “Nadala ko na ang resignation letter ko. Kaya wala na akong nakikitang dahilan kung bakit kailangan mo pang pumunta dito.”“I didn’t accept your resignation.” Biglang tumigas ang tono niya. “May kontrata kang pinirmahan so you better get back to your work.”“Really?” Tinaasan ko siya ng kilay, sabay irap. “At kung ayaw ko?”“Then pay the termination f*e.” Tumagos ang tingin niya sa akin, parang hinuhukay lahat ng dahilan kung bakit ako lumalaban. Kita ko ang inis, pero ramdam ko rin ang pagpipigil niya. “Pay five million for breach

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 111

    XimenaSinubukan kong huwag ipahalata ang gulat ko kahit parang kumakabog na ang dibdib ko. Tumayo ako, diretso ang likod at kunwari composed. “Maupo na muna kayo, Sir Azael,” aya ni Mama, kalmado ang boses pero ramdam kong nagsisimula na siyang makahalata.“Hindi na, Ma,” mabilis kong tugon. Matigas ang tono, halos pabulong pero mabigat. “Sa labas na lang po kami ni Sir mag-uusap.”Napansin ko ang paraan ng tingin niya sa akin, matalas, na kung nakakamatay lang ay baka tumimbuwang na ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi, lalo pa nang mapansin kong tumingin siya sa direksyon ni Adrian na nakikipagkulitan na ulit kay Nicolas. Kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya.“Ikaw ang bahala,” sagot na lang ni Mama, halatang hindi komportable pero piniling huwag nang makisawsaw. Binalingan niya na lang ang dalawang makulit na lalaki. “Nicolas, Adrian, halika na at kumain.”Ngumiti si Adrian, tumango, at agad na inaya si Nicolas na sobrang kulit pa rin at sige lang sa kwent

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 110

    Ximena“Kuya Adrian!” masayang sigaw ni Nicolas habang halos matalisod pa sa pagmamadali sa paglapit. Kakagaling lang niya sa kwarto kung saan niya inayos ang mga gamit sa school. Istrikto kasi si Mama pagdating sa kalat—ayaw niya ng kung anu-anong nakahambalang sa sala, lalo na’t technically hindi naman talaga amin ang bahay na tinitirhan namin.Ngumiti si Adrian at agad binati ang kapatid ko. “Kamusta, buddy?” sabay high five. Kita ko ang excitement sa mukha ni Nicolas habang agad na naupo sa tabi niya na parang matagal na silang magkaibigan.“Hijo, napadalaw ka?” tanong ni Mama, nakatingin kay Adrian na biglang nagkamot ng ulo. Parang batang nahuli sa kalokohan.“Wala lang po akong magawa kaya naisipan kong gumala. Nabanggit ni Ximena na dito kayo nakatira, kaya heto po…” bahagya siyang ngumiti at nagkibit-balikat, “isip ko magpalipas ng oras.”Sinipat ko siya nang mabilis. Really? Magpapalipas lang ng oras? May part ng utak ko na nagdududa kung iyon lang ba talaga ang reason niya.

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 109

    XimenaNasa bahay lang ako, nagmumukmok at walang ganang kumilos. Para bang stuck pa rin ako sa moment na huli naming pagkikita ni Azael sa opisina. Ilang araw na ang lumipas pero fresh pa rin ang inis sa dibdib ko. Normal lang naman siguro ‘yon, diba? Kasi naman, hindi biro ang ginawa niya. Mas pinili niyang paniwalaan si Natasha kaysa sa akin. As in, really? Sa lahat ng pwede niyang panigan, siya pa ‘yung pinili.“Anak, ilang araw ka nang hindi pumapasok sa trabaho. Sigurado ka bang okay ka lang?”Nasa sala ako, nakatitig sa TV na parang background noise lang. Kahit naka-flash sa screen ang mga eksena ng palabas, wala akong naiintindihan. Automatic lang ang mga mata ko sa panonood pero ang utak ko, kay Azael pa rin umiikot.Kami na lang ng nanay ko ang naiwan dito sa bahay, kasi pumasok na ang mga kasama namin. Tahimik ang paligid, pero ramdam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niyang marinig.“Oho naman, Ma. Okay lang ako. Bakit ba kayo tanong na

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 108

    AzaelDinala ako ni Simon sa hospital. Namamanhid pa rin ang kamay ko at hindi ko magalaw nang maayos dahil may tinamaan na ugat sa sobrang tindi ng pagsuntok ko sa salamin. Ngayon ko lang talaga nararamdaman ang consequences ng ginawa kong kahibangan. Ang ironic lang kasi, sa huli, si Simon din ang nag-aasikaso sa akin. Nakakahiya man aminin, pero wala akong choice kundi umasa sa kanya.“Sir, kung gusto mong masira ang sarili mo, huwag naman salamin ang kalabanin mo,” bulong ni Simon, pilit pinapagaan ang sitwasyon. Pero hindi ko nagawang ngumiti. Hindi ko nga alam kung paano ko haharapin ang gulo sa dibdib ko.Wala si Ximena. Ayon kay Simon, hindi na raw pumasok ang babae. At doon ako mas lalo pang namrublema. Nagsisisi ako, sobra. Pero ano pa bang magagawa ko? She needs space, oo, gets ko ‘yon. Pero damn, ayaw ko sa idea na bibigyan ko siya ng pagkakataong lumayo sa akin. Pakiramdam ko, once na binigyan ko siya ng distansya, baka ibang lalaki na ang mag-fill in sa puwang na iiwan ko

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 107

    AzaelHindi ako sinunod ni Simon kaya napabuntong-hininga na lang ako, mabigat, parang may kasamang buong mundo. Humiga ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang init ng luhang gumulong mula sa aking sentido pababa sa tenga. Damn, I’m crying. At masakit tanggapin na it’s all because of Ximena.“I love her, Simon…” bulong ko, wala sa sariling lumabas sa bibig ko. Dumilat ako, sabay kita ko sa kanya na abala nang magsamsam ng mga gamit sa paligid, pero halata ang pag-aalala sa bawat kilos niya.“Alam ko, Sir,” sagot niya, mahina pero buo. “Hindi pa kita nakitang ganito. Kahit noong naghiwalay kayo ni Natasha, kahit nung nalaman mong niloko ka niya, nanatili kang composed. Ni isang patak ng luha, wala.”Natawa ako ng mapait, halos sarcastic. “But she took my love for granted. Ganon lang niya kadaling nasabi na "we're done", na parang wala na siyang nararamdaman para sa akin.” May bigat ang bawat salita, parang tinutusok ang dibdib ko habang sinasabi ko.Napansin ko ang pag

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status