XimenaGusto ni Azael na maggala kami, pero agad ko siyang pinigilan. “Next time na lang, please,” sabi ko habang nakatingin sa kanya. Ayaw ko munang maging kampante, lalo na at may mga dapat pa kaming ayusin sa office.Kita ko sa mga mata niya na halos kating-kati na siyang ilibot ako sa mga magagandang lugar dito sa Poland. Parang bata siya na sabik makalabas, at oo, na-excite din naman ako. Sino ba namang hindi matutuwa sa ideya ng pamamasyal sa ibang bansa, lalo na kung siya pa ang kasama ko? Pero sa totoo lang, mas gusto kong gawin iyon nang walang iniintinding trabaho o obligasyon.“Baby, kahit isang oras lang. I’ll take you somewhere na siguradong magugustuhan mo,” bulong niya sabay hawak ng kamay ko.Napangiti ako pero umiling. “Alam kong gusto mo rin akong mapasaya, Azael. Pero mas gusto kong gumala kapag tapos na lahat ng dapat asikasuhin. Ayokong habang nag-eenjoy tayo, may bumabagabag sa isip mo.”Napabuntong-hininga siya, halatang nadismaya. “You’re too considerate, Ximena
Last Updated : 2025-09-08 Read more