Share

Chapter 104

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-09-14 12:25:29
Ximena

Pinagpasensyahan ko na lang ‘yung bruha. Hindi ko nga alam kung bakit nagagawa ko pang maging ganito ka-tolerant sa isang tao na wala namang ambag sa peace of mind ko. Para saan? Para lang hindi na dumagdag pa sa problema ni Azael.

“Bwisit naman,” bulong ko sa sarili ko habang pinipisil ang sentido ko. “Lagi na lang ba siyang nasa isip ko? Lagi ko na lang ba siyang iintindihin?”

Ramdam ko ang pag-init ng dibdib ko sa inis. Parang ako na lang palagi ang nag-aadjust, ako na lang ang may pakialam. Pero kung hindi ako? Sino? Si Natasha?

Napangisi ako ng mapait. As if.

“No. Hindi dapat! Hindi ko ibibigay ng basta-basta kay Natasha ang espasyo na para sakin!” sigaw ko sa aking isipan sabay tingin sa paligid dahil baka mamaya ay nai-voice out ko na pala ng wala akong kamalay-malay. Thankfully, busy din sa pagliligpit ng kanilang table sina Joyce. Pero ang bruhang si Natasha ay wala sa table niya?

Kanina lang nag-CR ako, nandoon pa siya. Ngayon, biglang missing in action. Serious
MysterRyght

Umayos ka Azael!

| 3
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 114

    Ximena“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko habang pinapark ni Azael ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Ang laki non at parang mansion na may mataas na gate at mga ilaw sa porch na medyo malamlam pero classy ang dating. Napatingin ako sa paligid, hindi ko talaga alam ang lugar na ito. Nang in-off niya ang makina, tumingin siya diretso sa akin na parang may tinatago.“We’re here, let’s go,” casual niyang sabi sabay bukas ng pinto. Bumaba siya agad, samantalang ako ay nanatili pa sa loob, nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung safe ba akong sumunod, like, hello? I’ve never been here before.Lumigid siya papunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto. “Gusto mo bang buhatin pa kita?” may kasamang ngiti sa labi at bahagyang pagyuko para makita ang mukha ko.Nanlisik ang mga mata ko at sabay bagsak ng paang bumaba. “As if magpabuhat ako sayo,” sagot ko na may halong inis at pilit na sarcasm.Ngunit imbes na patulan, ng

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 113

    Ximena“Ano ba ang ginagawa mo?” singhal ko habang kinuha ko ang kamay niya para tignan. “Nasisiraan ka na ba? Injured ka na nga, tapos ginawang parang show-off ‘to?”Nag-angat ako ng tingin at nakita kong tahimik lang din siyang nakatingin sa akin. Hinayaan niyang magtagal ang hawak ko sa kamay niya, na para bang matagal na niyang hindi nararamdaman. Ang galit niya ay tuluyan ng nawala at napalitan na ng lungkot. "Hindi ka ba nasasaktan?" tanong ko. Hindi man halatang nag-aalala ay sincere naman.“Mas nasasaktan ako sa kaalamang masaya ka habang nandyan ang lalaking ‘yon,” tugon niya sa mababang tono pero narinig ko ang bahagya niyang pagpiyok, indikasyon ng pagpipigil niyang maiyak. “Parang… parang binabalewala mo ako.”Umiling ako, naroon pa rin ang sama ng tingin. Kasabay non ay may kinikimkim akong init sa dibdib na hindi ko nga maipangalan. “Iba ang sinasabi ng ginagawa mo, Azael. ‘Wag mo akong paasahin sa isang bagay na alam mong—” naputol ang salita ko, puro galit pero may pag-

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 112

    Ximena“Hindi ka mapupunta sa lalaking ‘yon o sa kahit na sino pa. Sa akin ka lang, Ximena. I know you’re angry, kaya hindi ako magagalit sayo ngayon…” Mahina lang ang boses niya pero parang dumadagundong sa tenga ko.Natawa ako, pero hindi iyon masayang tawa. “Well, thank you. You're so generous. Kung ganon ay makakaalis ka na.” Tumama ang mga mata ko sa mukha niyang biglang nanlumo. May kirot akong naramdaman sa dibdib pero pinilit kong manatiling matigas. “Nadala ko na ang resignation letter ko. Kaya wala na akong nakikitang dahilan kung bakit kailangan mo pang pumunta dito.”“I didn’t accept your resignation.” Biglang tumigas ang tono niya. “May kontrata kang pinirmahan so you better get back to your work.”“Really?” Tinaasan ko siya ng kilay, sabay irap. “At kung ayaw ko?”“Then pay the termination f*e.” Tumagos ang tingin niya sa akin, parang hinuhukay lahat ng dahilan kung bakit ako lumalaban. Kita ko ang inis, pero ramdam ko rin ang pagpipigil niya. “Pay five million for breach

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 111

    XimenaSinubukan kong huwag ipahalata ang gulat ko kahit parang kumakabog na ang dibdib ko. Tumayo ako, diretso ang likod at kunwari composed. “Maupo na muna kayo, Sir Azael,” aya ni Mama, kalmado ang boses pero ramdam kong nagsisimula na siyang makahalata.“Hindi na, Ma,” mabilis kong tugon. Matigas ang tono, halos pabulong pero mabigat. “Sa labas na lang po kami ni Sir mag-uusap.”Napansin ko ang paraan ng tingin niya sa akin, matalas, na kung nakakamatay lang ay baka tumimbuwang na ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi, lalo pa nang mapansin kong tumingin siya sa direksyon ni Adrian na nakikipagkulitan na ulit kay Nicolas. Kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya.“Ikaw ang bahala,” sagot na lang ni Mama, halatang hindi komportable pero piniling huwag nang makisawsaw. Binalingan niya na lang ang dalawang makulit na lalaki. “Nicolas, Adrian, halika na at kumain.”Ngumiti si Adrian, tumango, at agad na inaya si Nicolas na sobrang kulit pa rin at sige lang sa kwent

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 110

    Ximena“Kuya Adrian!” masayang sigaw ni Nicolas habang halos matalisod pa sa pagmamadali sa paglapit. Kakagaling lang niya sa kwarto kung saan niya inayos ang mga gamit sa school. Istrikto kasi si Mama pagdating sa kalat—ayaw niya ng kung anu-anong nakahambalang sa sala, lalo na’t technically hindi naman talaga amin ang bahay na tinitirhan namin.Ngumiti si Adrian at agad binati ang kapatid ko. “Kamusta, buddy?” sabay high five. Kita ko ang excitement sa mukha ni Nicolas habang agad na naupo sa tabi niya na parang matagal na silang magkaibigan.“Hijo, napadalaw ka?” tanong ni Mama, nakatingin kay Adrian na biglang nagkamot ng ulo. Parang batang nahuli sa kalokohan.“Wala lang po akong magawa kaya naisipan kong gumala. Nabanggit ni Ximena na dito kayo nakatira, kaya heto po…” bahagya siyang ngumiti at nagkibit-balikat, “isip ko magpalipas ng oras.”Sinipat ko siya nang mabilis. Really? Magpapalipas lang ng oras? May part ng utak ko na nagdududa kung iyon lang ba talaga ang reason niya.

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 109

    XimenaNasa bahay lang ako, nagmumukmok at walang ganang kumilos. Para bang stuck pa rin ako sa moment na huli naming pagkikita ni Azael sa opisina. Ilang araw na ang lumipas pero fresh pa rin ang inis sa dibdib ko. Normal lang naman siguro ‘yon, diba? Kasi naman, hindi biro ang ginawa niya. Mas pinili niyang paniwalaan si Natasha kaysa sa akin. As in, really? Sa lahat ng pwede niyang panigan, siya pa ‘yung pinili.“Anak, ilang araw ka nang hindi pumapasok sa trabaho. Sigurado ka bang okay ka lang?”Nasa sala ako, nakatitig sa TV na parang background noise lang. Kahit naka-flash sa screen ang mga eksena ng palabas, wala akong naiintindihan. Automatic lang ang mga mata ko sa panonood pero ang utak ko, kay Azael pa rin umiikot.Kami na lang ng nanay ko ang naiwan dito sa bahay, kasi pumasok na ang mga kasama namin. Tahimik ang paligid, pero ramdam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niyang marinig.“Oho naman, Ma. Okay lang ako. Bakit ba kayo tanong na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status