Nakaramdam ako nang pagkapahiya kaya iniiwas ko na lamang ang tingin ko. Sa dami nang ipinadala niyang text messages at ilang beses na pagsubok na tawagan ako, mukhang totoong nag-alala nga siya kung nasaan ako. “Let’s go,” mahinahong pagyaya ng lalaki sa akin na parang wala na lang ang nangyari kanina.Napalingon ako kay Inay, bahagya akong nag-alala na wala siyang kasama sa silid habang si Ayah ay nasa ICU. Baka hindi siya makatulog magdamag sa pag-aalala sa kapatid ko. “Maaga na lang ako pupunta sa unit para maligo at magbihis. Wala kasing kasama si Inay dito,” lakas-loob kong sabi sa kanya kahit sigurado ako na tututol siya.Bahagyang naunat ang kunot na noo ni Abe at saka siya napatingin kay Inay.“Okay lang akong mag-isa rito, anak. Sanay naman ako dahil labas-masok sa ospital ang kapatid mo,” seryosong sabi ni Inay.“Inay, paano po kayo masasanay eh sa atin nasa charity ward tayo, marami kang ka-kwentuhan. Ngayon nasa ICU pa si Ayah,” pangangatwiran ko.“Ay, okay lang ako anak
Last Updated : 2025-08-06 Read more