BeatriceTahimik kong pinagmasdan si Lucien habang nakikipag-usap siya kay Sir Alfred sa isang tabi. Habang tumatagal, nagiging maamo ang mukha niya sa akin. Kase noong una, sa tuwing natatanaw ko siya sa malayo, naiisip ko na magagalitin siya, masungit, at seryoso, o di kaya naman walang puso. Kung ano-anong pamimintas ang nasa utak ko kapag nakikita siya noon.Pero hindi ko alam na sa panlabas niyang pag-uugali, nakatago rito ang lubos niyang pagmamahal sa kanyang pamilya. Ang lalaking maalaga.“Aba ate, mas ubos na ang boss namin kesa sa kape mo. Hinay-hinay naman sa pagtitig, tirhan mo kami.”Bumaling ako kay Gary at tinaasan siya ng kilay.“Ay iba, Aika tignan mo itong babaeng ito.”“Asawa niya eh, anong inaasahan mong reaksiyon niya,”pagtatanggol sa akin ni Aika.“Wow…Wow talaga. Kailangan lang noong halos ipagkanulo niya na si Sir Lucien. Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.”“Ganyan nga kase. The more you hate, the more you love. Sa galit niya kay sir, ayan ma
Last Updated : 2025-11-11 Read more