BeatriceNanatili ang tensyon sa dining area. Lahat kami ay tahimik.“Heto na ang cake–”Napatigil si Venice pagkapasok niya sa loob.“What’s going on here? Nawala lang ako saglit,” nagtataka kaming tinignan ni Venice–“Halika na at magreview,” hila ni Tita Lyka sa kanya.“Wait lang mommy,” linapitan ako ni Venice at pinatong sa harapan ko ang cake.“Dessert niyo, Ate. Masarap iyan, promise.”“Let’s go,” muling hinila ni Tita Lyka ang kamay ni Venice at tuloy-tuloy silang lumabas sa dining area.Habang isa-isa na rin nagsi-alisan ang iba. Ang tanging naiwan na lang ay kami ni Lucien, at parents niya.“Teka lang, sabihan ko lang ang mga katulong na iligpit na ito,” wika ni Tita Maureen at halatang iniwasan niya ang mga mata ko.Ilang sandali lang, pumasok na ang mga katulong kasama sina Nay Lourdes. Kaagad nila akong nilapitan.. Habang ang iba, nagsimula ng magligpit.“Nay, ihatid niyo na muna si Beatrice sa kwarto,” utos ni Lucien kay Nay Lourdes.Mabilis na lumapit naman sa akin si
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-25 อ่านเพิ่มเติม