Lucien“Sigurado ka sa narinig mo?” tanong ko pa.“Yes sir, narinig ko po talaga na bundok iyong binanggit ni Sir Franco. Tsaka sinabi niya rin sir na sa Ellagoro sila pwedeng magpatayo ng negosyo nila. May tinatanong si Ma’am Lyka pero kinailangan ko na pong lumabas.”Napatayo ako at nahampas ko ang mesa, matapos kong pagdugto-dugtungin ang mga sinabi nila.Bundok ng Ellagoro! May posibilidad na iyon ang tinutukoy ni Tito Franco. Pero bakit?!Muli kong nahampas ang mesa, kumuyom ang kamay ko, halos manginig ito.“Makakabalik na kayo sa trabaho niyo. Ireport niyo kaagad ang susunod nilang aksyon,” utos ni Kio sa kanila.“Yes, sir.”Tsaka lang ako tumuwid nang nakalabas na sila. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.“Mali itong iniisip ko Kio. Hindi ang bundok ng Ellagoro ang tinutukoy nila. Walang nakakaatim sa pamilya namin na pag-usapan ang Ellagoro. Ni minsan, hindi sila pumunta roon.”Nanatiling bangungot ito sa kanila, isang beses ko nga lang din tinungo ang lugar na iyon. “Per
Huling Na-update : 2025-11-12 Magbasa pa