LucienAs we reached the orphanage, we were greeted by the director and staff. The investigator was the one who introduced me.Mabuti na lamang at pumayag siya na ganito ang setup dahil mapili siya sa lugar at kung paano niya ibibigay ang impormasyon na pinapakuha ako.It’s a risky job that I could only understand.Dumeretso kami sa opisina ng bahay-ampunan at doon nag-usap. “Pwede po bang makita ang buong gusali?” tanong ni Kio “Oo naman, iho, halikayo,” tugon agad ng director.Lumabas kami sa opisina at nagsimula kaming maglibot.“Napakaluma na po pala ng mga pader at haligi nito,” puna ni Kio.“Oo, iho, ilang dekada na rin kase ang lumipas mula nang itayo nila ito.”“Ah, ganun po ba,” tumango si Kio. “Buti naman po pala at hindi ito napupuruhan kapag may landslide sa bundok?”Lumukot ang mukha ko, si Kio talaga.“Sa awa naman ng Diyos, hindi nadadamay iho. Sa bandang harap papuntang gitna ng bundok ang kadalasan na kina-quarry nila,” sagot ng director.“Ah, mabuti naman po pala.”
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-04 อ่านเพิ่มเติม