CASSANDRA“Kuya, kailangan pa ba talaga ‘to?” tanong ko kay kuya dahil nagpapawis na ang mga palad ko. Nasa malawak na garden kami ng Mansyon dahil dito gustong ganapin ni kuya Giovanni ang event.“Oo naman Diana, come on, you’re the Heir of the Zobel Group kaya dapat lang kilala ka nila.”“Eh kinakabahan kasi ako kuya eh… parang ang dami-daming tao at saka may mga press people, may media.” “Diana, masasanay ka din, ito talaga ang tunay na mundo mo dahil isa kang Zobel. Wag kang mag-alala nandito naman ako eh, kami ni Serafina at saka yung ibang mga bisita ay matatagal ng business partners ni dad at excited sila na makilala ka, malay mo makahanap ka ng matinong lalaki ngayong gabi. Puro mga bigating negosyante at mga pulitiko ang nandito.”“Kuya naman, may anak na ako. Hindi na ako interesado sa pakikipagrelasyon.” “Wag mo naman isara ang mga pinto mo Diana, malay mo, merong isang matinong lalaki dyan, yung tatanggapin ka ng buong-buo pati na rin ang anak mo.” “Eh basta kuya, wala p
Last Updated : 2025-09-02 Read more