JONAS 4 months later… Nandito pa rin ako sa Maynila. Hindi ko na alam kung ano pa bang ginagawa ko dito. Kalokohan na ata ‘to. Nag-iinom ako sa Gorgeous Men Bar at walang pakialam sa kung sino. Maya-maya ay lumapit sa akin si Samuel. “Kuya, type ka raw nung babaeng iyon oh, yung nakapula.” bulong niya sa akin at tinignan ko naman yung babae nakangiti siya sa akin. “Kaya mo na yan, ayoko mag-iinom lang ako ngayong gabi.” “Eh kuya, ikaw ang gusto eh.” “Samuel, matanda na ako ikaw bata ka pa, kaya mo na yan.” “Kuya naman.” “Sige na, ikaw na bahala dyan sabihin mo nalang busy ako, ayoko eh.” “Ayaw mo talaga? maganda pa naman yung babae oh.” “Ayoko. Asawa ko lang gusto ko. Sige na.” “Okay, sabi mo eh.” saad niya at nilapitan yung babae na biglang nalungkot at umalis. Nilango ko ang sarili ko sa alak nung gabing iyon ngunit nagulat ako nang makita ko si Bernard. “Anong ginagawa mo dito? halika, inom tayo!” “Kuya halika na, sinusundo na kita, uuwi na tayo!” “Ano
Last Updated : 2025-08-28 Read more