Annaliese's Point Of View.Humigpit ang kapit ko sa braso ni Niccolas habang nakatingin sa pamilya niya. Nakaupo sila sa isang mahaba at mamahaling lamesa, sa tansya ko ay sampong tao ang nakaupo. Nakikita ko ang ilan sa kanila ay nagbubulungan, habang ang iba naman ay tahimik lang ngunit kitang-kita ko ang gusto nilang sabihin sa mga mata nila."Here you are, Niccolas."Nakuha ng atensyon ko ang pagtayo ng isang babae, puno ng alahas ang kaniyang katawan at nakasuot ng red dress. Sa tingin ko ay nasa mid 40's na siya ngunit hindi halatang tumatanda ito dahil maganda pa rin, ngunit mukhang suplada."Good evening, Mom," wika ni Niccolas sa aking tabi.Nakita ko ang simpleng pagtango ng ginang bago tumingin sa akin. Sandali niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago siya ngumiti."Good evening, dear. Are you Annaliese?" tanong nito.Napalunok ako bago magsalita. "Opo, magandang gabi po. It's nice to meet you, Madam.""I'm Jeraldine, it's a pleasure to meet you and call
Terakhir Diperbarui : 2025-08-22 Baca selengkapnya