Annaliese's Point Of View.
Isang taon na ang nakakalipas simula ng mamatay si Papa dahil sa brain cancer. Hindi birong sakit iyon at buong akala ko ay makakayanan niya ngunit nagkamali ako dahil dalawang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ma-diagnose siya ng stage 4 cancer ay kaagad na siyang binawian ng buhay. Kung maaga siguro namin nalaman na may sakit siya, hindi sana nangyari iyon at sana kasama ko pa rin siya hanggang ngayon. Malakas ang kutob kong tinatago niya lang sa akin na may nararamdaman siya dahil nag-aalaga siya para sa perang gagamiting pampagamot. Kaya naman noong namatay siya, ginawa ko ang lahat para magkaroon siya nang maayos na libing. At para magawa iyon ay kailangan kong umutang ng malaking halaga ng pera. "A-Aling Perla," kinakabahan kong wika sa kabilang linya. "Huwag ka namang magpaawa sa akin, Annaliese. Alam mo namang kailangan ko rin ng perang 'yon. Kung wala kang planong ibalik ay ipapakulong kita." Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig. "Babayaran ko po ang utang ko, hindi niyo po ako kailangang ipakulong." "Ang tanong nga ay kailan, Annaliese? Sinasabi mong magbabayad ka pero hanggang kailangan mo 'yan sasabihin?" galit niyang sabi. "Naiintindihan kong nagluluksa ka pa rin sa pagkakamatay ni Arthur pero sana naman mabayaran mo ang perang ginamit mo pampalibing niya. Pare-parehas lang tayong nangangailangan dito." "B-Babayaran ko po nang paunti-unti—" "Buong bayad ang kailangan ko ngayon, Annaliese. Ang tagal-tagal na ng utang mo, paniguradong may ipon ka na ngayon." "Hindi ko po kayang bayaran nang buo ang 200k," nanlulumong wika ko, para akong pinagbagsakan ng langit sa narinig. "Magbabayad naman po ako pero paunti-unti dahil hindi naman kalakihan ang sinasahod ko." "Wala na akong pakialam pa riyan, Annaliese! Ibigay mo ang pera ko bukas o magkikita tayo sa korte sa lalong madaling panahon!" Sasagot pa sana ako ngunit mabilis niyang binaba ang tawag dahilan para tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang tawag na iyon ay naging pampagising sa akin sa realidad ng aking buhay. Baon na baon ako sa utang... At sa ilang mga araw na nakalipas, nakalimutan ko iyon. Siguro ay sinasadya kong hindi isipin dahil alam kong mamomoblema ako kung paano ko mababayaran ang pera ni Aling Perla. Sandaling pumasok sa isipin ko ang mga taong minsan kong tinuring na pamilya ngunit ngayon ay tinalikuran na ako. . . Alam kaya nilang wala na si Papa? Anong naging reaksyon nila? Masaya ba silang naghihirap kaming dalawa? Kapag ba lumapit ako sa kanila ay tutulungan nila ako? Kaagad akong napailang dahil sa naisip, bakit ko ba niloloko ang aking sarili? Hindi nila ako tutulungan dahil galit sila sa amin—ayaw nila sa akin. Lumulutang ang isipan ko pagpasok sa trabaho kinabukasan, nagtatanong na nga sa akin sina Emily kung anong nangyari ngunit hindi ko magawang sumagot. Paano ko ipapaliwanag na malapit na akong makulong dahil wala akong pambayad ng utang ko? Siguro nga, dapat ko nang tanggapin na makukulong na ako dahil saan ko pupulutin ang 200k ngayong araw? Kahit baliin ko pa ang aking likod sa pagtatrabaho ay hindi ko magagawang kitain ang malaking halaga na 'yan. Nang sumapit ang gabi, mag-isa na lang ako sa utility room nang muli akong nakatanggap ng tawag kay Aling Perla. Nanginginig ang kamay ko habang sinasagot iyon. "H-Hello?" kinakabahan kong wika. "Ano na, Annaliese? Nasaan na ang 200k ko? Hindi ba't napag-usapan nating ngayon ka magbabayad?" "Aling Perla, sampung libo lang po talaga ang kaya ko ngayon," garalgal ang boses ko, halos hindi ko na marinig ang sarili sa lakas ng kabog ng dibdib ko. "Ilang buwan na nga ang binigay kong palugit para makapagbayad ka pero hanggang ngayon ayan pa lang ang naipon mo?" galit niyang sagot. "M-Magbabayad naman ako, Aling Perla. Pero sa ngayon, ayan lang muna ang kaya kong ibigay. Kung kaya ko lang ibigay ang 200k ngayong araw, alam mo namang ibibigay ko iyon kaagad." "Hindi mo na ako madadaan sa pagpaawa mo, Annaliese." Mas lalo akong napaiyak, mabuti na lang talaga dahil umuwi na ang mga ka-trabaho ko dahil nakakahiya kung may makakita sa akin ng ganito ngayon. "Nagsasabi po ako ng totoo, Aling Perla. Walang-wala talaga ako ngayon. . . Alam kong mahihirapan kang maintindihan ako pero nangangako akong magbabayad ako ng utang ko," pagmamakaawa ko. "Sarili ko na lang po ang maasahan ko, wala na akong pamilya. Sana ay bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon dahil hinding-hindi ko tatakbuhan ang utang ko sa'yo." "Just pay off your debt." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at kaagad akong napalingon sa nagsalita, mabilis kong nakita si Niccolas na seryosong nakatingin sa akin. Magsasalita na sana ako ngunit lumapit siya sa akin at inagaw ang cellphone ko. "How much is her debt?" tanong niya kay Aling Perla. "200k? Okay. I'll send you the money and don't ever bother her again." Pagkatapos noon ay binaba niya ang cellphone at inabot iyon sa akin, ngunit hindi ko kaagad iyon kinuha dahil sa gulat. Sinabi niya bang babayaran niya ang utang ko? Tama ba ang narinig ko? Tumingin siya sa akin. "Stop crying. Bayad na ang utang mo." "P-Pero bakit?" nanginginig ang boses kong tanong, patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. "Bakit mo binayaran? Wala akong pera para bayaran ka." "Where did you use that 200k?" tanong niya, hindi pa rin sinasagot ang kanina ko pa pinatataka. Napaawang ang labi ko sa narinig kasabay ng pagpunas ko ng luha. "G-Ginamit ko sa pampalibing ni Papa. Namatay siya last year dahil sa brain cancer, marami akong naging bayarin lalong-lalo na sa hospital kaya kinailangan kong mangutang ng ganoong kalaking pera." Hindi siya sumagot ngunit hindi pa rin niya inalis ang tingin niya sa akin kaya muli akong nagsalita. "B-Bakit mo binayaran? Alam mo namang hindi kita—" "Binayaran ko dahil may kailangan ako sa'yo." Napakunot ang noo ko sa narinig, hindi niya nga gagawin ang bagay na iyon kung wala naman siyang dahilan. "Anong kailangan mo?" tanong ko. Ilang segundo ang lumipas bago siya muling magsalita, at nang sabihin niya na ang dahilan ay nanlamig ang aking katawan. "Kapalit ng perang 'yon ay ang pagiging asawa ko. . ."Annaliese's Point Of View."M-Maging asawa mo?" hindi makapaniwalang sabi ko, parang nakalimutan ko kung bakit ako umiiyak dahil sa biglang sinabi niya.Magiging asawa niya ako? Anong kalokohan na naman ba 'to?Tumango siya. "You're going to be my wife.""T-Teka, hindi naman ako pumayag!" pag-angal ko, kumunot ang noo niya."You have no choice, Annaliese. Bayad na ang utang mo, at ang kapalit no'n ay ang pagiging asawa ko," seryosong wika niya at mas lalo lang akong hindi makapaniwala."Bakit naman ako magiging asawa mo?" tanong ko. "Si Anna? Bakit hindi siya ang niyaya mo?""Stop asking questions will you? Wala kang magagawa kundi pumayag dahil kung ayaw mo, hindi ko babayaran ang 200k na utang mo."Napanganga na lamang ako sa narinig, hindi ko alam kung anong mas magandang piliin sa dalawang 'yon. Hindi ko nga pinangarap na makasal, tapos biglang magiging asawa niya ako?"Bakit ba kailangan mo ng asawa?" kuryusong tanong ko, impossible naman kasing bigla na lang siyang maghahanap ng
Annaliese's Point Of View.Isang taon na ang nakakalipas simula ng mamatay si Papa dahil sa brain cancer. Hindi birong sakit iyon at buong akala ko ay makakayanan niya ngunit nagkamali ako dahil dalawang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ma-diagnose siya ng stage 4 cancer ay kaagad na siyang binawian ng buhay.Kung maaga siguro namin nalaman na may sakit siya, hindi sana nangyari iyon at sana kasama ko pa rin siya hanggang ngayon. Malakas ang kutob kong tinatago niya lang sa akin na may nararamdaman siya dahil nag-aalaga siya para sa perang gagamiting pampagamot.Kaya naman noong namatay siya, ginawa ko ang lahat para magkaroon siya nang maayos na libing. At para magawa iyon ay kailangan kong umutang ng malaking halaga ng pera."A-Aling Perla," kinakabahan kong wika sa kabilang linya."Huwag ka namang magpaawa sa akin, Annaliese. Alam mo namang kailangan ko rin ng perang 'yon. Kung wala kang planong ibalik ay ipapakulong kita."Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig. "Babay
Annaliese's Point Of View.Isang tango lang ang aking ginawa para sumagot sa kaniyang tanong ay kaagad ko nang naramdaman ang mainit niyang labi sa akin. Nahulog ang hawak kong mop pero hindi ko na iyon pinansin at nagpadala na lamang sa init ng aking katawan."N-Niccolas," ipit kong sabi sa pagitan ng aming halikan bago ko sinubukang sabayan ang paghalik niya kahit hindi ako marunong, ngunit wala naman siyang pakialam."You taste better than Anna," bulong niya, ang halik ay dahan-dahang bumababa patungo sa aking leeg.Anna? Tinutukoy niya ba 'yung babaeng nasa kandungan niya kanina?Humawak ako sa kaniyang braso bilang suporta. "M-May CCTV ba rito?" mahinang tanong ko at natigilan siya.Ngumisi siya sa akin. "You're concerned that someone might be watching us right now?""Malamang, mamaya ay magkaroon pa ako ng scandal."Nakita ko ang pag-ilang niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hinawakan niya ang aking pisngi at mahinang hinimas 'yon."Of course, there's no CCTV
Annaliese's Point Of View.Totoo nga talaga ang sinasabi ng iba na lahat ng tao ay nagbabago kapag sila'y nakainom na—at ang patunay noon ay ako.Diyos ko, nakipagtalik ba talaga ako sa lalaking hindi ko kilala? Sa kaniya ko binigay ang kabirhinan ko!"Nasaan ka na ba, Annaliese? Alam mo bang muntikan na akong tumawag ng pulis dahil baka nawawala ka na?" wika ni Alfred sa kabilang linya.Malakas na akong napabuntong hininga. "N-Nandito ako sa hotel. . .""Hotel? Anong ginagawa mo riyan?""May nakilala kasi akong lalaki kagabi. . . At may nangyari sa amin," paliwanag ko at kaagad kong narinig ang malakas niyang pagtili mula sa cellphone."Kasama mo pa rin ba hanggang ngayon?"Muli akong napatingin sa perang iniwan niya. "Wala na siya pagkagising ko, at nag-iwan pa siya ng limang libo," sabi ko. "Akala niya siguro ay prostitute ako kaya't nag-iwan pa ng bayad.""Pera na 'yan, huwag ka na magreklamo.""Nairita lang naman ako at na-offend pero hindi ko sinabing hindi ko tatanggapin. Pamas
Annaliese's Point Of View.Mula sa malayo ay dinig na dinig ko na ang maingay na mga makina sa factory na pinagta-trabahuan ko. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng matanggap ako bilang isang factory worker, hindi kalakihan ang sahod ngunit sapat na para mabuhay ko ang aking sarili.At ngayon ay isang panibagong araw na naman para magbanat ng buto.Pagkatapos ko sa loob ay kaagad kong nakita si Elsa, ang aming factory manager. Babatiin ko na sana siya ng magandang umaga ngunit natigilan ako nang makitang magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin."Anong ginagawa mo rito, Annaliese?" wika niya.Napakunot ang noo ko sa narinig. "Wala po bang pasok ngayon?" "Hindi mo ba alam?""Ang alin po?" tanong ko."Tanggal ka na sa trabaho. Wala bang nagsabi sa'yo?"Napaawang ang labi ko sa gulat, hindi makapaniwala sa narinig. "Huh? Ano bang sinasabi mo?"Malakas na bumuntong hininga si Elsa bago malungkot na ngumiti sa akin. "Alam mo naman siguro na bumababa na ang kita