Annaliese's Point Of View."That's why I'm going to ask you, how much did he offer you to marry him?"Parang nakalimutan kong huminga dahil sa narinig, nakatitig lang ako sa ginang na para bang isang katangahan kung sasagutin ko ang tanong niya.Kaya naman sinubukan kong magsinungaling."W-Wala po siyang binigay sa akin," wika ko bago umiwas ng tingin dahil narinig ko ang mahina niyang pagtawa."Malaki ba ang binigay kaya ayaw mong sabihin sa akin?" tanong niya, may maliit na ngiti sa akin. "Ayos lang naman kung ayaw mong sabihin sa akin, malalaman at malalaman ko pa rin naman. Huwag kang mag-alala, hija. Alam naming lahat ng nandito na pinakasalan ka lang ni Niccolas para sa mana niya.""Ikaw po ba ang may kagustuhang makasal na siya?""Oo, dahil siya na lang ang anak kong hindi pa nakakasal. Wala namang problema sa akin kahit hindi niya na ako bigyan ng apo, ang gusto ko lang malaman ay kasal siya," paliwanag nito. "His siblings are against my decision, obvious naman siguro? Pero wa
Annaliese's Point Of View.Humigpit ang kapit ko sa braso ni Niccolas habang nakatingin sa pamilya niya. Nakaupo sila sa isang mahaba at mamahaling lamesa, sa tansya ko ay sampong tao ang nakaupo. Nakikita ko ang ilan sa kanila ay nagbubulungan, habang ang iba naman ay tahimik lang ngunit kitang-kita ko ang gusto nilang sabihin sa mga mata nila."Here you are, Niccolas."Nakuha ng atensyon ko ang pagtayo ng isang babae, puno ng alahas ang kaniyang katawan at nakasuot ng red dress. Sa tingin ko ay nasa mid 40's na siya ngunit hindi halatang tumatanda ito dahil maganda pa rin, ngunit mukhang suplada."Good evening, Mom," wika ni Niccolas sa aking tabi.Nakita ko ang simpleng pagtango ng ginang bago tumingin sa akin. Sandali niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago siya ngumiti."Good evening, dear. Are you Annaliese?" tanong nito.Napalunok ako bago magsalita. "Opo, magandang gabi po. It's nice to meet you, Madam.""I'm Jeraldine, it's a pleasure to meet you and call
Annaliese's Point Of View.Nagkaroon ng mahabang katahimikan pagkatapos sabihin ni Niccolas iyon, ngunit kitang-kita ko ang gulat at sakit sa mga mata ni Anna."Y-You. . . I can't fucking believe this," halos pabulong niyang wika bago ako tingnan ng masama. "I can't believe you ended up with a girl like her."Hindi niya na hinayaan pang makapagsalita dahil kaagad na siyang umalis sa aming harapan. At hindi pa man ako tuluyang nakakarecover sa nangyari ay isang kamay ang naramdaman kong humawak sa aking pulsuhan."Let's go, Annaliese."Wala akong nagawa kundi ang magpahatak paalis kay Niccolos, napansin ko na lamang na nakarating kami sa parking lot at pinapasok niya ako sa passenger seat ng kaniyang sasakyan."S-Sigurado ka bang wala kayong relasyon ni Anna?" tanong ko nang makapasok siya sa sasakyan, nakita kong may kinuha siyang panyo sa kaniyang bulsa bago ibigay sa akin, nag-aalangan naman akong kinuha iyon."She's just a fling, ang alam ko ay may nararamdaman siya para sa akin. B
Annaliese's Point Of View."M-Maging asawa mo?" hindi makapaniwalang sabi ko, parang nakalimutan ko kung bakit ako umiiyak dahil sa biglang sinabi niya.Magiging asawa niya ako? Anong kalokohan na naman ba 'to?Tumango siya. "You're going to be my wife.""T-Teka, hindi naman ako pumayag!" pag-angal ko, kumunot ang noo niya."You have no choice, Annaliese. Bayad na ang utang mo, at ang kapalit no'n ay ang pagiging asawa ko," seryosong wika niya at mas lalo lang akong hindi makapaniwala."Bakit naman ako magiging asawa mo?" tanong ko. "Si Anna? Bakit hindi siya ang niyaya mo?""Stop asking questions will you? Wala kang magagawa kundi pumayag dahil kung ayaw mo, hindi ko babayaran ang 200k na utang mo."Napanganga na lamang ako sa narinig, hindi ko alam kung anong mas magandang piliin sa dalawang 'yon. Hindi ko nga pinangarap na makasal, tapos biglang magiging asawa niya ako?"Bakit ba kailangan mo ng asawa?" kuryusong tanong ko, impossible naman kasing bigla na lang siyang maghahanap ng
Annaliese's Point Of View.Isang taon na ang nakakalipas simula ng mamatay si Papa dahil sa brain cancer. Hindi birong sakit iyon at buong akala ko ay makakayanan niya ngunit nagkamali ako dahil dalawang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ma-diagnose siya ng stage 4 cancer ay kaagad na siyang binawian ng buhay.Kung maaga siguro namin nalaman na may sakit siya, hindi sana nangyari iyon at sana kasama ko pa rin siya hanggang ngayon. Malakas ang kutob kong tinatago niya lang sa akin na may nararamdaman siya dahil nag-aalaga siya para sa perang gagamiting pampagamot.Kaya naman noong namatay siya, ginawa ko ang lahat para magkaroon siya nang maayos na libing. At para magawa iyon ay kailangan kong umutang ng malaking halaga ng pera."A-Aling Perla," kinakabahan kong wika sa kabilang linya."Huwag ka namang magpaawa sa akin, Annaliese. Alam mo namang kailangan ko rin ng perang 'yon. Kung wala kang planong ibalik ay ipapakulong kita."Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig. "Babay
Annaliese's Point Of View.Isang tango lang ang aking ginawa para sumagot sa kaniyang tanong ay kaagad ko nang naramdaman ang mainit niyang labi sa akin. Nahulog ang hawak kong mop pero hindi ko na iyon pinansin at nagpadala na lamang sa init ng aking katawan."N-Niccolas," ipit kong sabi sa pagitan ng aming halikan bago ko sinubukang sabayan ang paghalik niya kahit hindi ako marunong, ngunit wala naman siyang pakialam."You taste better than Anna," bulong niya, ang halik ay dahan-dahang bumababa patungo sa aking leeg.Anna? Tinutukoy niya ba 'yung babaeng nasa kandungan niya kanina?Humawak ako sa kaniyang braso bilang suporta. "M-May CCTV ba rito?" mahinang tanong ko at natigilan siya.Ngumisi siya sa akin. "You're concerned that someone might be watching us right now?""Malamang, mamaya ay magkaroon pa ako ng scandal."Nakita ko ang pag-ilang niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hinawakan niya ang aking pisngi at mahinang hinimas 'yon."Of course, there's no CCTV