Share

Kabanata 5

Author: GreenRian22
last update Huling Na-update: 2025-07-30 20:29:41

Annaliese's Point Of View.

"M-Maging asawa mo?" hindi makapaniwalang sabi ko, parang nakalimutan ko kung bakit ako umiiyak dahil sa biglang sinabi niya.

Magiging asawa niya ako? Anong kalokohan na naman ba 'to?

Tumango siya. "You're going to be my wife."

"T-Teka, hindi naman ako pumayag!" pag-angal ko, kumunot ang noo niya.

"You have no choice, Annaliese. Bayad na ang utang mo, at ang kapalit no'n ay ang pagiging asawa ko," seryosong wika niya at mas lalo lang akong hindi makapaniwala.

"Bakit naman ako magiging asawa mo?" tanong ko. "Si Anna? Bakit hindi siya ang niyaya mo?"

"Stop asking questions will you? Wala kang magagawa kundi pumayag dahil kung ayaw mo, hindi ko babayaran ang 200k na utang mo."

Napanganga na lamang ako sa narinig, hindi ko alam kung anong mas magandang piliin sa dalawang 'yon. Hindi ko nga pinangarap na makasal, tapos biglang magiging asawa niya ako?

"Bakit ba kailangan mo ng asawa?" kuryusong tanong ko, impossible naman kasing bigla na lang siyang maghahanap ng papakasalan dahil lang bored niya.

"Kailangan ko makuha ang kalahati ng mana ko."

Napakunot ang noo. "Hindi mo buong nakuha?" tanong ko at tumango siya.

"Gusto ng pamilya kong makasal na ako, at gagawin ko 'yon para makuha nang buo ang mana ko."

Natahimik naman ako sa narinig at napaisp Gagawin niya 'yon para lang sa mana? Hindi niya ba alam na hindi biro ang pagpapakasal?

"P-Pero ayoko pang magpakasal," mahinang sabi ko. "Alam mo namang walang divorce rito sa Pilipinas, hindi ba?"

"I forgot to mention that our marriage will be a fake marriage," sagot niya. "Ako na ang bahalang kumausap sa Judge na magpapakasal sa atin."

"Hindi ba 'yan malalaman ng pamilya mo?"

"Sa tingin mo ba papayag akong mangyari 'yan?"

Malakas akong napabuntong hininga, paniguradong kung tatanggihan ko ang alok niya ay mamomoblema pa rin ako kung saan ako maghahanap ng pambayad kay Aling Perla. . . pero kaya ko bang pakasalan ang lalaking 'to? Kaya ko ba siyang makasama?

Hindi ko pa siya lubusang kilala ngunit ayoko namang manghusga, wala naman sigurong mawawala sa akin kung pumayag ako. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang desisyon. Pero wala rin naman akong ibang pagpipilian. Ang 200k ay hindi ko kikitain kahit ilang taon pa akong maglinis. At kahit hindi ko siya kilala nang lubusan, baka… baka mas mabuti na ito kaysa sa kahihiyan at pagkakakulong.

"P-Pumapayag na ako, magpapakasal ako sa'yo," mahinang sabi ko. "Pero hindi habang buhay. . . tatlong taon. Tatlong taon lang ako matatali sa'yo."

Binabasa niya ang ibabang labi bago tumango. "Three years then. . ."

Noong gabing iyon ay wala akong ibang hiniling sa langit na sana ang desisyon ko na 'yon ang bagay na hinding-hindi ko pagsisihan sa hinaharap.

"Ano?! Ikakasal ka na?!" gulat na sabi ni Alfred nang sabihin ko sa kaniya ang tungkol doon, tahimik akong tumango. "At sa lalaking pang 'yon?!"

"Binayaran niya ang utang ko, iyon naman ang mahalaga," sagot ko, kahit hindi ko pa rin kayang kumbinsihin ang sarili ko. Sa ngayon, magtitiwala na lang ako sa sarili ko—kahit hindi ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko.

"Tatlong taon lang naman, hindi ba?"

Tumango ako. "Mabilis lang naman ang oras, baka hindi ko nga mamalayan na tapos na ang kontrata namin."

"Baka naman mahulog ka sa kaniya, Annaliese? Dalawang beses na pa naman kayong nagtalik!" sabi niya habang nakangisi, kaagad naman akong napairap.

Umilang ako, impossible ang bagay na iyon. "Bakit ko naman ilalagay ang sarili ko sa kapahamakan?"

Nangyari nga ang kasal naming dalawa, sa harap ng isang Judge ay binigkas namin ang mga katagang alam naming hindi naman talaga gustong sabihin. Walang ibang tumatakbo sa isipin ko kung pagsisihan ko ba ang naging desisyon kong ito.

"I'm just going to remind you, I don't like this marriage too," wika niya nang matapos ang kasal, seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.

"Tatlong taon lang naman, Niccolas. Tatlong taon lang nating pagtitiisin ang isa't isa."

Ngunit pagpasok ko kinabukasan sa kompanya, nagdalawang isip ako kung tama nga ba ang naging desisyon kong pakasalan siya dahil ramdam ko ang tingin sa akin ng mga tao—mga puno ng panghuhusga.

"Janitress ang naging asawa ni Sir Nicco? Hindi ako makapaniwalang pumapatol siya sa isang low class na babae," wika ng isa habang abala ako sa paglilinis ng sahig.

"Oo nga eh. Akala ko pa naman si Ma'am Anna ang papakasalan niya. Palagi kasi silang magkasama noon, 'di ba? Hindi ako makapaniwalang pumatol si Sir Nicco sa janitress na 'yan!"

Niyuko ko lamang ang aking ulo at nagpanggap na wala akong narinig, sanay na ako sa ganitong bagay kaya hindi na ako nahirapan pa. Hindi ko alam kung paano kumalat na kasal na ako kay Niccolas, pero sigurado akong dahil 'yon sa sikat siyang tao, hindi na nga dapat pa ako nagulat pa. At ngayon, wala akong magawa kundi ang tanggapin ang kung ano mang komentong binabato nila sa akin.

"Hey, janitress."

Napa-angat ako sa nagsalita at nagulat nang makita si Anna—ang babaeng nahuli kong kasama ni Niccolas. Ngayong napagtuonan ko na ng pansin ang itsura niya, napagtanto kong maganda nga siya, sexy at paniguradong habulin ng mga lalaki.

"Bakit?" tanong ko.

"I know the truth about your marriage," mahinang sabi niya habang nakangisi at napatingin naman ako sa paligid dahil baka narinig ng mga tao ang sinabi niya dahil ang daming nanonood sa amin ngayon.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

Ngumiti siya sa akin. "I just want to say that Niccolas will still come home to me every night."

"Parang hindi naman 'yan ang sinabi niya sa akin," sagot ko at kaagad ang pagkunot ng noo niya. "Ang huli niyang sinabi sa ay 'I taste better than you, Anna.'"

At dahil sa sinabi ko, tumilapon sa aking mukha ang hawak niyang malamig na juice Ramdam ko ang lagkit ng tubig sa leeg ko habang dumadaloy iyon pababa sa uniform ko. Pero hindi iyon ang masakit. Ang masakit, yung wala man lang tumulong, lahat ay nanonood lang na para bang nasa isang sinehan.

"You're a janitress, right? Then clean this mess!" sigaw niya sa aking mukha, hindi naman ako nakagalaw kaagad dahil sa gulat sa kaniyang ginawa. "I can't believe that Niccolas chose you over me. I don't understand him at all!"

Tiningnan ko siya. "Pero ako naiintindihan ko, Anna."

Mukhang mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko dahil malakas siyang napamura. "Stop talking, you whore!" sigaw niya at nag-ambang sampalin ako ngunit bago tumama ang kamay niya sa aking pisngi, isang mabilis na kilos ang pumigil no'n. Isang kamay na nilalang-kilala ko na kung kanina.

Napatingin ako sa gilid. Si Niccolas ang aming nakita. Nakatayo, malamig ang ekspresyon at tila hindi siya natitinag.

"Who wants to call my wife a whore," aniya sa malamig at mababang tinig, "…right in front of me?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Game Over : Ending The Game Of My Ruthless Boss   Kabanata 5

    Annaliese's Point Of View."M-Maging asawa mo?" hindi makapaniwalang sabi ko, parang nakalimutan ko kung bakit ako umiiyak dahil sa biglang sinabi niya.Magiging asawa niya ako? Anong kalokohan na naman ba 'to?Tumango siya. "You're going to be my wife.""T-Teka, hindi naman ako pumayag!" pag-angal ko, kumunot ang noo niya."You have no choice, Annaliese. Bayad na ang utang mo, at ang kapalit no'n ay ang pagiging asawa ko," seryosong wika niya at mas lalo lang akong hindi makapaniwala."Bakit naman ako magiging asawa mo?" tanong ko. "Si Anna? Bakit hindi siya ang niyaya mo?""Stop asking questions will you? Wala kang magagawa kundi pumayag dahil kung ayaw mo, hindi ko babayaran ang 200k na utang mo."Napanganga na lamang ako sa narinig, hindi ko alam kung anong mas magandang piliin sa dalawang 'yon. Hindi ko nga pinangarap na makasal, tapos biglang magiging asawa niya ako?"Bakit ba kailangan mo ng asawa?" kuryusong tanong ko, impossible naman kasing bigla na lang siyang maghahanap ng

  • Game Over : Ending The Game Of My Ruthless Boss   Kabanata 4

    Annaliese's Point Of View.Isang taon na ang nakakalipas simula ng mamatay si Papa dahil sa brain cancer. Hindi birong sakit iyon at buong akala ko ay makakayanan niya ngunit nagkamali ako dahil dalawang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ma-diagnose siya ng stage 4 cancer ay kaagad na siyang binawian ng buhay.Kung maaga siguro namin nalaman na may sakit siya, hindi sana nangyari iyon at sana kasama ko pa rin siya hanggang ngayon. Malakas ang kutob kong tinatago niya lang sa akin na may nararamdaman siya dahil nag-aalaga siya para sa perang gagamiting pampagamot.Kaya naman noong namatay siya, ginawa ko ang lahat para magkaroon siya nang maayos na libing. At para magawa iyon ay kailangan kong umutang ng malaking halaga ng pera."A-Aling Perla," kinakabahan kong wika sa kabilang linya."Huwag ka namang magpaawa sa akin, Annaliese. Alam mo namang kailangan ko rin ng perang 'yon. Kung wala kang planong ibalik ay ipapakulong kita."Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig. "Babay

  • Game Over : Ending The Game Of My Ruthless Boss   Kabanata 3

    Annaliese's Point Of View.Isang tango lang ang aking ginawa para sumagot sa kaniyang tanong ay kaagad ko nang naramdaman ang mainit niyang labi sa akin. Nahulog ang hawak kong mop pero hindi ko na iyon pinansin at nagpadala na lamang sa init ng aking katawan."N-Niccolas," ipit kong sabi sa pagitan ng aming halikan bago ko sinubukang sabayan ang paghalik niya kahit hindi ako marunong, ngunit wala naman siyang pakialam."You taste better than Anna," bulong niya, ang halik ay dahan-dahang bumababa patungo sa aking leeg.Anna? Tinutukoy niya ba 'yung babaeng nasa kandungan niya kanina?Humawak ako sa kaniyang braso bilang suporta. "M-May CCTV ba rito?" mahinang tanong ko at natigilan siya.Ngumisi siya sa akin. "You're concerned that someone might be watching us right now?""Malamang, mamaya ay magkaroon pa ako ng scandal."Nakita ko ang pag-ilang niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hinawakan niya ang aking pisngi at mahinang hinimas 'yon."Of course, there's no CCTV

  • Game Over : Ending The Game Of My Ruthless Boss   Kabanata 2

    Annaliese's Point Of View.Totoo nga talaga ang sinasabi ng iba na lahat ng tao ay nagbabago kapag sila'y nakainom na—at ang patunay noon ay ako.Diyos ko, nakipagtalik ba talaga ako sa lalaking hindi ko kilala? Sa kaniya ko binigay ang kabirhinan ko!"Nasaan ka na ba, Annaliese? Alam mo bang muntikan na akong tumawag ng pulis dahil baka nawawala ka na?" wika ni Alfred sa kabilang linya.Malakas na akong napabuntong hininga. "N-Nandito ako sa hotel. . .""Hotel? Anong ginagawa mo riyan?""May nakilala kasi akong lalaki kagabi. . . At may nangyari sa amin," paliwanag ko at kaagad kong narinig ang malakas niyang pagtili mula sa cellphone."Kasama mo pa rin ba hanggang ngayon?"Muli akong napatingin sa perang iniwan niya. "Wala na siya pagkagising ko, at nag-iwan pa siya ng limang libo," sabi ko. "Akala niya siguro ay prostitute ako kaya't nag-iwan pa ng bayad.""Pera na 'yan, huwag ka na magreklamo.""Nairita lang naman ako at na-offend pero hindi ko sinabing hindi ko tatanggapin. Pamas

  • Game Over : Ending The Game Of My Ruthless Boss   Kabanata 1

    Annaliese's Point Of View.Mula sa malayo ay dinig na dinig ko na ang maingay na mga makina sa factory na pinagta-trabahuan ko. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng matanggap ako bilang isang factory worker, hindi kalakihan ang sahod ngunit sapat na para mabuhay ko ang aking sarili.At ngayon ay isang panibagong araw na naman para magbanat ng buto.Pagkatapos ko sa loob ay kaagad kong nakita si Elsa, ang aming factory manager. Babatiin ko na sana siya ng magandang umaga ngunit natigilan ako nang makitang magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin."Anong ginagawa mo rito, Annaliese?" wika niya.Napakunot ang noo ko sa narinig. "Wala po bang pasok ngayon?" "Hindi mo ba alam?""Ang alin po?" tanong ko."Tanggal ka na sa trabaho. Wala bang nagsabi sa'yo?"Napaawang ang labi ko sa gulat, hindi makapaniwala sa narinig. "Huh? Ano bang sinasabi mo?"Malakas na bumuntong hininga si Elsa bago malungkot na ngumiti sa akin. "Alam mo naman siguro na bumababa na ang kita

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status