Share

Kabanata 109

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-09-04 00:07:18
Kira’s POV

Kinakabahan ako habang hawak ang pregnancy test. Nasa loob pa rin ako ng banyo. Ramdam kong nanginginig ang kamay at tuhod ko. Sa labas, rinig ko ang boses ni Anthony. Kanina pa niya ako tinatawag. Excited na excited siya, samantalang ako, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang resulta.

“Wifey, tapos ka na ba? Please, don’t make me wait too long,” sigaw niya mula sa labas.

Napahugot ako ng malalim na hininga bago ginamit ang test. Umupo ako sa toilet bowl, nakatitig sa maliit na stick habang hinihintay ang ilang minuto. Ang tagal ng bawat segundo, parang ayaw lumipas. Nang makita ko ang dalawang linya, napahawak ako agad sa tiyan ko. Buntis ako. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matatawa.

Hinaplos ko ang tiyan ko at saka dahan-dahang binuksan ang pinto.

Agad akong sinalubong ni Anthony. Halos pawisan siya sa kaba. Pabalik-balik siyang naglalakad pero nang makita niya ako, lumapit agad siya.

“So? Ano na? Tell me, baby.”

Hindi ako nakasagot agad. Iniabot ko lang sa
Deigratiamimi

Good morning. Stay tuned for more updates!

| 15
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamaaaat po
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamaaaat po
goodnovel comment avatar
Donna H. Dimayuga
Hay... Super kilig.. Ganda ng story na ito...nakakagoodvibes ng umaga ko.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 4

    Habang lumilipas ang mga araw, napansin ni Audrey ang mga kakaibang nangyayari sa katawan niya. Madali siyang mapagod, madalas nasusuka, at parang laging inaantok kahit maaga pa lang. Akala niya stress lang sa trabaho, lalo na’t halos gabi-gabi siyang nag-o-overtime para hindi mapansin ni Midnight ang anumang pagkakamali niya.“Girl, okay ka lang ba?” tanong ni Kyla isang tanghali habang nasa pantry sila. “Parang ang putla mo na ha. Kanina pa kita nakikitang hawak ang tiyan mo.”Ngumiti si Audrey kahit pilit. “Okay lang ako. Siguro pagod lang. Hindi pa kasi ako masyadong nakakatulog nitong mga nakaraang gabi.”“Eh baka naman buntis ka?” biro ni Kyla sabay tawa. “Hindi ka ba delayed?”Halos mabilaukan si Audrey sa iniinom niyang tubig. “Ha? Ano ka ba, Kyla, impossible ‘yon! Wala nga akong boyfriend!” mabilis niyang sagot, sabay iwas ng tingin.“Chill, joke lang! Grabe ka naman,” natatawang sabi ni Kyla, hindi napansin ang bahagyang pamumutla ni Audrey.Ngunit sa loob niya, hindi na siy

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 3

    Lumipas ang dalawang buwan ng puro paghihintay at pangungulila. Araw-araw, gigising si Audrey na umaasang may tatawag na kompanya sa cellphone niya, baka sakaling may email o tawag mula sa mga kompanyang pinag-apply-an niya bilang software engineer. Paulit-ulit siyang nadidismaya, hanggang sa halos mawalan na siya ng pag-asa. Isang umaga, habang nagkakape siya, biglang tumunog ang cellphone niya. “Hello, this is Audrey speaking,” mahinang sagot niya, medyo inaantok pa. “Hi, Ms. Claveria,” boses ng isang babae sa kabilang linya. “This is from Salvatore Technologies. We’re pleased to inform you that you passed the final screening. You’re officially hired. Please report on Monday for your orientation.” Napahinto si Audrey. Ilang segundo bago siya nakasagot. “A-Ah, talaga po? Hired na po ako?” “Yes, congratulations, Ms. Claveria. Please check your email for details.” “Thank you po! Thank you so much!” halos mangiyak-ngiyak na sagot ni Audrey bago niya binaba ang tawag. Napahawak siya

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 2

    Pagkauwi ni Audrey sa apartment nila ni Trina, agad niyang naramdaman ang bigat sa dibdib. Hindi niya akalaing mas lalo pa siyang masasaktan sa gabing akala niya’y tapos na ang lahat ng bangungot. Pagbukas pa lang ng pinto, nakita niya si Trina na nakangiti habang nagbibilang ng pera sa mesa. Sa tabi nito, nakakalat ang mga gamit niya—mga damit, sapatos, at laptop bag na parang tinapon lang. “Trina?” garalgal ang boses ni Audrey. “Ano ‘tong ginagawa mo? Bakit mo nilalabas ang mga gamit ko?” Hindi man lang siya nilingon ni Trina. Patuloy lang ito sa pagbibilang ng pera, habang sumasayaw pa sa tuwa. “Oh, Audrey! Nandiyan ka na pala. Perfect timing. Pwede mo na rin dalhin ‘yang mga gamit mo, ha? Hindi na kita pwedeng patirahin dito.” “Anong ibig mong sabihin?” nanginginig ang boses niya. “Bakit mo ako pinaalis? Ako ang nagbabayad ng kuryente rito, Trina!” “Sus!” tumaas ang kilay nito, saka tumawa nang mapanlait. “Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Alam ko na ang nangyari kagabi. Don’

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 1

    "Audrey, may bago akong raket para sa iyo!" Napalingon si Audrey kay Trina na abala sa pag-aayos ng buhok sa salamin. Nasa maliit silang apartment na pinagsasalo nila sa Quezon City, at halatang excited si Trina habang nagme-makeup. “Raket?” tanong ni Audrey habang nagta-type sa laptop. “Trina, baka naman katulad ‘yan noong huli mong sinabi na ‘simple dinner lang,’ tapos bar pala sa Makati.” “Grabe ka naman,” sabay tawa ni Trina. “Hindi ito bar! Legit to, girl. May private event daw mga businessmen, may foreign investor pa nga raw. Ang kailangan lang nila ay mga babae na mag-a-assist, parang hostess lang. Simple lang, smile-smile, konting pakikipag-usap. You’ll get twenty thousand for one night.” Napakunot ang noo ni Audrey. “Twenty thousand? Sa isang gabi lang?” “Oo. Easy money! Hindi mo na kailangan maghintay ng next project mo. Pwede mong pambayad sa hospital bills ni Tita.” Napahinto si Audrey sa pagta-type. Bumigat ang dibdib niya sa narinig. Isang linggo na niyang iniisip k

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Book 3 — Midnight Salvatore (Second Generation)

    My Arrogant Boss is My Baby Daddy (SPG) BLURB: Si Audrey Claveria ay isang simpleng babae na lumaking sanay sa hirap at sakripisyo. Bilang isang dalubhasang software engineer, ang tanging pangarap niya ay magkaroon ng tahimik na buhay at maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng takot at pagkakamali ang tuluyang nagbago sa direksyon ng kaniyang buhay—ang gabing nakilala niya ang lalaking magpapabago sa kaniya sa paraang hindi niya kailanman inakala. Si Midnight Salvatore, ang cold-hearted at perfectionist na heir ng Salvatore Group, ay isang lalaking walang alam kundi kontrol at disiplina. Para sa kaniya, ang kahinaan ay kasalanan, at ang emosyon ay sagabal sa tagumpay. Ngunit nang muling magtagpo ang landas nila ni Audrey sa loob ng kaniyang kompanya, bumalik ang mga alaala ng gabing matagal na nilang pilit kinakalimutan. Mula sa pagiging istriktong boss, unti-unting nabasag ang pader ni Midnight nang malaman niyang nagdadalang-tao si Audrey—ang babae

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   WAKAS — Book 2

    Emosyonal sina Ella at Neil sa araw ng kanilang kasal. Si Neil ay halatang tuwang-tuwa at hindi mapakali, kasi sa wakas ay asawa na niya si Ella. Ilang taon din niyang pinangarap na mangyari ang araw na ito, at ngayong narito na, parang hindi pa rin siya makapaniwala. Tahimik siyang nakatayo sa harap ng altar habang inaayos ni Anthony ang necktie niya. “Hey, relax. Parang ngayon ka lang ikakasal,” biro ni Anthony sabay tapik sa balikat ni Neil. Ngumiti si Neil pero halata sa mukha niya ang tensyon. “Hindi ako kinakabahan. Excited lang ako. Ilang taon ko ring hinintay ‘to, kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.” Napatawa si Anthony. “Kita naman sa mukha mo. Para kang batang binigyan ng laruan. Pero seryoso, proud ako sa’yo, Neil. After everything you went through, deserve mo na ‘tong happiness.” “Salamat,” sagot ni Neil. “Kung hindi rin dahil sa inyo ni Kira, baka hindi ko pa rin siya nahanap ulit. You two helped us get back together.” Nakangiting umiling si Anthony

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status