Kira’s POV Paglapag namin sa Italy, ramdam ko agad ang excitement na hindi ko maitago. Humigpit ang hawak ni Anthony sa kamay ko habang lumalabas kami ng airport. Nakasuot siya ng simpleng polo at pantalon, pero halatang lahat ng tao ay napapatingin pa rin sa kaniya. Hindi lang dahil gwapo siya, kundi dahil sa aura niyang commanding at mayaman. “Kira, stay close to me,” bulong niya habang inilalagay ang braso sa bewang ko. “Ayokong kahit isang segundo mawala ka sa paningin ko.” Napangiti ako. “Anthony, hindi naman ako mawawala. Nandito lang ako. Possessive.” “Still,” mariin niyang sagot. “You’re mine. No one should even think of looking at you.” Natawa ako nang marinig iyon pero hindi ko maiwasang kiligin. Paglabas namin, may nakahanda nang sasakyan at driver para sa amin. Pagpasok ko sa loob, agad niya akong hinila papalapit at hinalikan sa pisngi. “Welcome to Italy, Arch. Kira. This is the place where I want to make new memories with you,” sabi niya habang nakatitig sa akin. “
Huling Na-update : 2025-08-31 Magbasa pa