“Ate, yung anak mo may pagkamaasim.” Bulong ko kay ate Vida nang makaupo siya sa tabi ko. Natawa siya at tinignan ang anak niyang inosente kung ngumiti.“Ano bang ginawa ni Tobi sayo?”“Mula nang busy kayo ni mama doon sa pamimili ng mga ulam, siya naman panay kwento sakin ng tungkol kay tito Archi niya.”Literal na natawa si ate Vida kaya si mama e napatingin saming dalawa.“Akala ko ba nakamove-on ka na?” bulong niyaSinimangutan ko siya. Kahit na nakamove-on ako, required bang matuwa ako kung tong anak niya e walang ibang sinasabi kundi, tito Archi is amazing tita… gumawa siya ng house namin ni kuya at Triss. Tito Archi is ganto… tito Archi is ganyan…Kung may award lang sa pakikipagplastikan, baka isa na ako sa nominees dahil kanina ko pa pinaplastik itong pamangkin ko na natutuwa ako sa kwento niya kahit na di naman.Kumain nalang ako para mawala itong pagkainis ko sa katawan.“Tita, aalis kami mamaya ni tito. Gusto mo bang sumama?”Natigilan si ate at mama at ako naman ay naiwan
Last Updated : 2026-01-06 Read more