PINATAWAG ng mga pulis sina Leonard, Camia, at Ariana sa interrogation room.Pagbukas pa lang ng pinto, ramdam na agad ang tensyon. Tahimik si Leonard, seryoso ang mukha. Si Ariana naman ay nakatayo lang sa gilid, halatang kinakabahan. Umupo pa lang sila, diretsong nagsalita ang imbestigador.“May pahayag si Simon. Binanggit niya ang pangalan mo, Mrs. Camia.”Biglang natigilan si Camia. “Ano?!” sigaw niya. “Wala akong alam sa sinasabi n’yo!” Tumingin siya kay Simon na nasa kabilang bahagi ng silid. “Hindi ko alam na dinukot mo si Sam! Wala akong alam na all this time ikaw pala ang may hawak sa kanya!”Napailing si Simon. “Camia, huwag mo na akong gawing sinungaling dito.”Lumingon si Camia sa kanya, nanginginig sa galit. “Sinungaling ka talaga! Ginagamit mo ako para iligtas ang sarili mo!”Hindi na nakatiis si Leonard. “Enough,” malamig niyang sabi. “This is not the time para magturuan kayo!”Pero hindi tumigil si Camia. “Leonard, maniwala ka sa akin,” sabay harap sa asawa.“Wala ako
Last Updated : 2026-01-14 Read more