Dinala ng mga pulis si Simon papasok sa interrogation room. Tahimik lang siyang sumunod, hindi na lumingon pa. Nang magsara ang pinto, naiwan sa labas sina Ariana, Leonard, at Camia.Umupo si Camia sa mahabang upuan sa gilid ng hallway. Halatang lutang, parang pilit inuunawa ang lahat ng nangyayari. Si Ariana ay nakatayo malapit sa pader, yakap ang sarili. Si Leonard naman ay hindi mapakali, pabalik-balik ang lakad.Maya-maya, huminto si Leonard sa tapat ng ina.“Ma,” mabigat ang boses ko, “sabihin mo nga sakin… may alam ka ba talaga?”Napatingin si Mama Camia sa akin, gulat. “Alam saan?” nakaarko ang kilay na sagot..“Sa ginawa ni Simon,” diretsong sagot ni Leonard. “Sa pagdukot kay Sam. Don’t tell me you had no idea.”Nanlaki ang mata ni Camia. Umiling ito agad. “Leonard, wala. Wala talaga akong alam.”“Ma, please,” bahagyang tinaasan ni Leonard ang boses. “Hindi na ito maliit na bagay. Kidnapping ito. At asawa ko ang kinidnap niya!”Tumayo si Camia, nanginginig ang kamay. “Anak, ku
Last Updated : 2026-01-12 Read more