Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang pangalan ni Catherine mula kay Sam.Huminga ako nang malalim, pilit inaayos ang sarili bago magsalita. “Sam… bakit mo biglang nasabi si Catherine?” tanong ko, mababa ang boses, halos pakiusap. “Bakit mo siya pinapasok sa usapan natin?”Hindi agad sumagot si Sam. Pinunasan niya ang luha sa pisngi pero hindi na niya itinago ang alinman sa sakit na nararamdaman niya. Tumingin siya sa akin, hindi galit, pero pagod. Pagod na pilit nagtatapang tapangan. “Because I heard you last night,” sagot niya, diretso, walang paliguy-ligoy.“I heard everything.”Napaangat ang ulo ko. “Heard… what?”Huminga siya ng malalim, mabagal, parang nanginginig pa ang dibdib niya.“Lasing ka kagabi, Leonard,” simula niyang napapalunok..“Sobrang lasing ka at habang pinupunasan kita kagabi, paulit-ulit mong binabanggit ang pangalan niya.”Tumigil ang mundo ko sa narinig. “Her name,” dagdag niya, “Catherine. Paulit-ulit mong sinasabi. Hindi ko alam kung panaginip ba, ala
最終更新日 : 2025-12-05 続きを読む